Chapter Twenty-One: Leaves

251 18 0
                                        

Chapter Twenty-One

Natapos man 'yung festival, hindi pa rin namin pinatapos 'yung kasiyahan namin.

Napagkasunduan na bumalik muna kaming lahat sa camp dahil magkaroon daw ng boodle fight. Ituring na raw naming farewell party sabi ni Lola Remy, para ma-enjoy namin 'yung huling araw sa camp. Pumayag na kami kasi sagot niya naman daw lahat ng pagkain na gusto namin.

Pagkarating namin sa camp, sabay-sabay kami namangha kasi naset-up na kaagad 'yung mga mabababa at mahabang lamesa sa field. Tanging mga unan lang 'yung nakalatag sa sahig, malamang 'yun lang din magsisilbing upuan namin.

Hindi ko na masyado inisip dahil napadako na kaagad 'yung mata ko sa napakaraming pagkain na nasa malalaking dahon ng saging sa ibabaw ng lamesa. Hindi na rin masiyadong madilim kahit gabi na dahil sa dami ng fairy lights na nakasabit sa paligid.

"Wow!" Manghang sambit ni Chin. Napatango naman kaming sumang-ayon. Wow nga!

Hindi ko alam kung paano nag-umpisa pero bigla na lang kaming nagpaunahan sa field para humanap ng magandang pwesto, mas maganda 'yung pwesto kapag marami 'yung nakatapat sa'yong pagkain.

Humagalkpak kami ng tawa nung natisod si Kyle at muntik pang matumba sa kakamadali.

"Gutom na gutom lang?" Natatawang saad ni Shar.

"Hindi ka na nasanay dyan ate, palagi namang gutom 'yan!" Panggagatso pa ni Chin.

Nagtaka na lang ako nung tahimik lang na ngumiti si Kyle at hindi pumatol sa pang-aasar ni Chin.

"Ano nangyari? Bakit walang entry?"

Tahimik lang silang pareho, parang nahihiya.

"Nanliligaw na kasi 'yang si Kyle kay Chin." Kibit-balikat na paliwanag ni Blythe dahilan para sabay pamulahaan 'yung dalawa.

"Hoy! Hindi pa ha!" Agad na depensa ni Kyle.

"Pa! So, meaning may balak nga." Entrada ni Sky dahilan para mag-iritan lalo ang lahat at sumali sa pang-aasar sa kanilang dalawa.

"Pwede bang kumain na muna tayo, nilalangaw na 'yung pagkain." Agad kaming natahimik nung magsalita si Donny.

Ayos lang naman samin kasi sanay na kami sa kaniya pero mukhang naguilty siya kaya nagsalita ulit.

"Kyle, baka gusto mong ikaw na maglead ng prayer. Pampa-good shot kay Chin." Nakangisi nitong dagdag kaya naghiyawan ulit kami para suportahan 'yung pang-aasar niya.

Hanep talaga. Pati si Donny nahahawa na sa mga kagaslawan namin.

Nag-ipon ako ng isang tumpok ng fried rice at dalawang fried chicken sa harapan ko. Habang kumakain kami, pasimple akong napapatingin kay Edward. Tahimik lang rin siyang nakikitawa sa mga asaran. Simula kanina, hindi ko pa siya nagagawang kausapin.

"Nga pala, May. Kamusta na 'yung kuya mo?" Nabigla ako sa tanong ni Shar, kaagad naman akong sumagot nung mapansin kong hinihintay niya 'yung sagot ko.

"Tuloy-tuloy pa rin 'yung therapy niya ngayon sa Japan. Hindi rin kasi biro 'yung angioplasty niya, eh. Pero sabi ni mama maayos naman na daw 'yung lagay niya." Pagpapaliwanag ko.

Napahawak ako sa paanan ko kasi nakaramdam ako ng sobrang kirot. Kung kailan nakaupo na kami, ngayon pa nagreklamo ng malala 'yung paa ko sa suot kong heels.

"Mabuti naman, sana tuloy-tuloy na 'yung paggaling niya." saad ni Shar. Sana nga talaga, 'yon din ang hiling ko eh. Miss ko na rin si kuya, matagal na rin nung huli kaming nagkita.

Napansin ko sa peripheral vision ko na tumayo si Edward kaya kaagad akong nagpaalam kay Shar para sundan siya. Kanina pa ako naghahanap ng tyempo para sana makapag-usap kami.

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon