Chapter Fifteen
"Bakit mo ako iniiwasan?" Seryoso niyang tanong sa akin dahilan para mapalunok ako.
"Hindi naman, ah." Pagdipensa ko.
"Oo kaya."
Ramdam ko 'yung pagbaon ng mga tingin niya sa akin kaya hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga mata niya. Binaling ko na lang 'yung atensyon ko sa may bintana.
"See! Hindi ka nga makatingin sa akin ng diretso."
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa prisensya niya o dahil sa pataas na ng pataas 'yung cart na sinasakyan namin.
"Ano bang problema?" Tanong niyang muli pero hindi ko siya pinapansin.
I kept my focus on the ground but it didn't helped. Papaliit na ng papiliit 'yung mga tao pati na rin 'yung mga rides. Binabalak kong hindi magsalita hanggang sa makababa kami ulit pero sobrang bagal nung galaw ng ferris wheel.
"Hindi ka ba talaga magsasalita?" May natunugan akong pagbabanta sa boses niya.
"Hoy!" Napasigaw ako nung bigla siyang tumayo kaya umuga 'yung cart na sinasakyan namin. "Ano ba! Umupo ka nga. Mamamatay tayo sa ginagawa mo."
"Kausapin mo muna kasi ako."
"Kinakausap naman kita, ha." Pabalang kong sagot. Hindi pa rin siya umuupo kaya hinatak ko siya pero mariin 'yung pagkakakapit niya kaya umuga ng mas malakas yung cart. Napasigaw ako ulit sa sobrang takot.
"Bushak ka, Edward. Mahuhulog tayo!"
"Wala akong pake matagal na naman akong nahulog.." Napatingin lang ako sa kaniya dahil seryoso 'yung pagkakasabi niya. "Sa'yo." Pagtuloy niya sabay ngisi at kindat pa.
Sobra na akong napipikon sa mga banat niya kaya mariin kong kinirot 'yung braso niya na hawak ko. Napasigaw naman siya sa sakit. Letcheng 'to, mamamatay na nga lang kami paasa pa rin siya.
"Ahhh! Oo May, uupo na nga! Tama na, aray!" Nagpupumiglas niyang kinuha 'yung braso niya at naupo rin sa wakas. Nakangiwi pa rin siya sa sakit.
"Gusto pa kasing nasasaktan, eh." Pairap kong sabi.
"Bakit ba kasi ang laki ng galit mo sa akin?" Parang batang pagmamaktol niya.
"Ginagawa mo kasing biro lahat ng bagay. Minsan hindi na nakakatawa." I could feel my throat tighten up, kaya umismid ako. I can't cry in front of him. Not now. Never again.
Napansin kong sumeryoso na rin siya dahil sa sinabi ko. "Bakit? Akala mo ba biro lang 'yung pagkakagusto ko sa'yo? Alam kong mas bata ako sa'yo pero ganun ba ka-immature 'yung tingin mo sa akin?"
Wala akong masabi sa sinabi niya.
"Bakit ba hirap na hirap kang paniwalaan na gusto nga kita?" Naasar siyang sambit habang pinapasadahan 'yung buhok niya nagulo na. He seemed so frustrated.. and hurt. And God knows how I hate to see him like that.
"That night at the port, you're supposed to meet Sky.." Halos pabulong kong sabi. Kumunot ang noo niya lalo at parant alam niya na kung saan papatungo 'yung sasabihin ko.
"Yes I was supposed to meet her." Pag-amin niya at dinaig pa ng mga salitang 'yun 'yung naramdaman ko sa Vikings. Parang kumuwala 'yung kaluluwa ko sa katawan ko. Mas lalong hindi ako makatingin sa kaniya ngayon.
"I went there so that we could have our closure, to officially end us." Pagpapatuloy niya kaya mabilis akong napatingin sa kaniya.
"Talaga ba?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
BINABASA MO ANG
Leaves
Fiksi PenggemarMarydale grew up surrounded by blinding lights and flashing cameras. There is no person left in the country that hasn't heard of her name. She has the fame and the fortune that every teenager are dying to have. All of her fans might have been thinki...
