Chapter Two: Branches

328 23 3
                                        

CHAPTER TWO

I have this annoying habit of second guessing myself and I don't know how to stop it.

Pagkatapos nung medyo awkward na pag-uusap namin ni Edward, sinabihan niya kaagad ako na mag-ayos at magligpit. Malamang sasamahan niya na akong maghanap ng matutuluyan. Nawindang ako kasi hindi ko naman inexpect na ngayon agad agad.

Pero sumunod din ako kasi naisip ko na baka naiilang siya sa pagpapatuloy sa akin, hindi niya lang pinapahalata. Hindi ko naman siya masisisi, kahit naman ako nangangapa pa rin kung paano siya pakikitunguhan. Kahit na ilang beses niya nang napatunayan na mabait siya.

Konti lang naman 'yung gamit ko kaya mabilis ko lang naayos, pagkatapos sinundan ko na siya sa labas. Napatigil ako nung makita ko siyang nakasakay sa driver's seat nung pick up truck. Napatingin siya sa akin nung napansin niyang naghehesitate akong sumakay.

"Licensed driver ka ba?"

He is so good in hiding his expression behind his smile, good thing I am too quick to catch that for a second he seemed offended on my question. I didn't meant to offend him, I am just naturally paranoid. I am honed to be paranoid, I am an actress, but he's not supposed to know that.

"Marunong akong magdrive, tsaka malapit lang naman. Trust me, May. Safe ka sa akin."

Well, hindi niya talaga sinagot 'yung tanong ko. Pero may something sa mga huling sinabi niya para magtiwala ako.

The moment that I followed him in his pick-up truck, I already gambled my life in his hands. There's no turning back now.

He started the engine and we went off. He's not lying when he said he knew how to drive. Hindi ko mapigilang mapatingin sa palagid habang hinahangin 'yung buhok ko.

I could definitely say that Hillcrest is a paradise on Earth. Ito na yata 'yung pinakamagandang lugar na napuntahan ko, bukod sa Boracay at sa Palawan.

Walang maitim na usok sa hangin kasi kahit saan ka tumingin, puro luntiang puno at halaman ang makikita mo. Wala rin masiyadong matataas na gusali. Magkakalayo pa 'yung mga bahay at halos lahat makaluma 'yung design pero mukhang matitibay. Feeling ko, kung dito ako nakatira wala na akong ibang poproblemahin pa.

"Ganda.."

Parang nagpintig 'yung tenga ko nung marinig ko siyang magsalita. "Huh?"

"Sabi ko, ang ganda 'no?" Pag-ulit niya. Nakatingin lang siya sa kalsada habang nagdadrive.

"Ah, oo."

Natatabunan na kasi ng tunog ng makina 'yung boses niya, 'ganda' lang 'yung narinig ko. Hindi naman ako nag-assume. Wala naman nag-assume dito. 

Wala rin gaanong kotse sa kalsada, actually wala pa talaga akong nakikitang tao sa labas. Sa totoo lang, wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta. Wala akong kaalam alam sa lugar na 'to.

"Kaso, bakit parang wala gaanong tao?"

May split second na lungkot akong nahuli sa mga mata niya, pero nawala din kaagad.

"Pinagpalit kasi nila 'yung buhay dito sa buhay sa siyudad, halos lahat ng tao dito gustong umalis." Mapakla niyang sabi.

"Hindi ko magets? For sure ang ganda ng buhay dito, eh."

Nagkibit-balikat lang siya. "Iniinda nila 'yung pagkawala ng signal dito, pili lang kasi 'yung lugar na may signal. Tsaka malayo din daw sa kabihasnan."

Ayun lang.

Sa panahon kasi ngayon, mahirap na talagang mabuhay na disconnected ka sa internet at sa cyber world.

But, what we're really missing is much more than that. The more we connect online, the more that we disconnect on our reality. At sa lahat ng naexperience ko so far, mas gugustuhin ko na lang madisconnect online.

A single hate comment from a stranger will greatly affect your whole system. It's pretty scary how powerful words are that it could change your perception of yourself, it will play with your mind, it will kill your appetite and it wouldn't even let you sleep at night. A nightmare playing while you're awake.

"Andito na tayo."

Lumutang na naman 'yung diwa ko. The next thing I knew, we were already parked in front of wooden bungalow houses.

Naunang bumaba si Edward sa pick-up pero mukhang ayaw gumalaw ng katawan ko sa pwesto ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naunang bumaba si Edward sa pick-up pero mukhang ayaw gumalaw ng katawan ko sa pwesto ko. I know fully well, what this place is and I don't like where this is heading to.

"This is a campsite." Walang kabuhay-buhay kong sabi.

"A talent campsite." Pagtama sa akin ni Edward. Much worse. "I work here as a volunteer. Kulang kami sa staff eh kaya naisip kita, don't worry kaka-open lang naman nung camp last week."

Hindi ko na maintindihan 'yung sinasabi niya. Parang nabibingi na ako sa kaba.

I took a break from my career and ran away just for him to take me here? On the same field that I've been running from? Hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko.

We saw someone walking towards our direction. He seemed familiar but if he is who I think he is, then I'm doomed.

Nung malapit na siya sa amin at nasinagan ng liwanag 'yung mukha niya. As soon as his slanted eyes met mine, a cheeky smile was formed in his lips.

"Kuya Robs!" Bati ni Edward sa lalaki.

"Welcome! Welcome!" Masaganang bati niya pabalik.

Pero parang ako, unti-unti nang nawawalan ng gana.

END OF CHAPTER TWO

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon