Chapter Ten: Pagtingin

233 22 2
                                        

CHAPTER TEN

"Maymay?"

Parang biglang nanumbalik 'yung kaluluwa ko sa katawan ko nung sikuhin ako ni Shar.

Nasa may kusina kami dahil naisipan niyang magbake ng cupcakes. Wala naman akong alam sa pagbebake kaya pinapanuod ko lang siya. Hanggang sa hindi ko namalayan na lumilipad na pala 'yung isip ko at nakatulala na lang ako sa kawalan.

"Sorry, ano ulit 'yon?"

Natawa lang siya sa kasabawan ko.

"Ang sabi ko, nag-away ba kayo ni Edward?" Pag-ulit niya.

Kumunot naman 'yung noo ko. "Hindi naman. Bakit?"

"Parang ilang araw ko na kasi kayong hindi nakikitang nag-usap nung dumating si Sky. Tapos kapag napapatingin siya sa'yo, umiiwas ka ng tingin. Kapag ikaw naman 'yung nakatingin, siya naman 'yung umiiwas. Ang weird lang."

Nagtaka ako sa sinabi ni Shar. Talaga ba? Hindi ko din pansin 'yon.

Aminado naman ako na ilang araw na kaming walang matinong usap ni Edward at medyo umiiwas ako sa kaniya. Palagi kasing nakabuntot sa kaniya si Sky. Hindi ko alam kung nagkaayos na sila pero mukhang hindi na galit si Edward dahil kinakausap niya na ulit si Sky. Nung una, medyo kinakaya ko pa pero habang tumatagal nakakailang din pala.

Sa tree house, kapag nagbebrainstorm kami ng mga bagong kanta ni Ed biglang sisingit si Sky sa usapan hanggang sa sila na lang ang nag-uusap. Hindi naman sa naa-out of place ako. Halata naman kasi na gusto pa rin ni Sky si Edward. Sobrang clingy niya kasi kaya nakakailang para sa akin lalo na tatlo lang kami doon. Hindi tuloy ako makapagfocus.

Kaya madalas pumupunta na lang ako sa kung saan-saan para makapag-isip at makapagsulat ng bagong kanta.

Ang hindi ko lang magets sa sinabi ni Shar, bakit iiwas din sa akin si Edward?

"Kung ano-ano din napapansin mo 'no?" Pagbibiro ko na lang pero mukhang pinupush niya talaga 'yung napapansin niya.

"Kung hindi kayo nag-away, isa lang ibig sabihin non."

"Ano?" Nacurious ako lalo sa pag-ngisi niya.

"May something na sa inyo 'no?"

Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.

"Alam mo ikaw! Malisyosa ka talaga!

Dumampot ako ng kutsara at pinalo ko ng mahina sa noo niya. Natawa ako nung mapapikit siya sa gulat. Pabiro niya sana akong hahampasin sa braso para makaganti pero naka-ilag kaagad ako.

Pero hindi ako nakailag nung batuhin niya ako ng harina sa mukha. Busy siya kakatawa kaya hindi niya din nailagan 'yung harina na ibinato ko. Ako naman 'yung natawa nung makita ko 'yung itsura niya.

"Aminin mo na lang. Nafafall ka na kay Edward, hindi ko naman ipagkakalat."

Nanlaki 'yung mga mata ko dahil mas nilakasan pa ni Sharlene 'yung boses niya kaya lumapit ako para takpan 'yung bibig niya.

"Hoy! Baka may makarinig sa'yo akalain totoo 'yung sinasabi mo!"

"You like him!"

Nakangisi siya habang iniilagan 'yung kamay ko. Maya-maya napatigil siya bigla na ipinagtaka ko, may kinawayan siya sa likuran ko.

"Oy, Edward nandyan ka pala!"

Nagpanic ako dahil sa sinabi niya.

Pakiramdam ko sobrang dugyot ko ngayon kung nakikita ko lang 'yung sarili ko. Kaya dali-dali kong hinablot 'yung apron na nakapatong sa counter para punasan 'yung mukha ko. Pasimpleng inayos ko din 'yung mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko at sinukbit sa magkabilang tenga bago marahan na lumingon.

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon