Chapter Nineteen
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nung magising ako kinabukasan at hindi ko madatnan si mama sa condo. Nanumbalik tuloy sa akin 'yung pakiramdam nung bata pa ako at ayaw kong mawawala siya sa paningin ko.
Gusto kong magwala kasi hindi ko siya kasama.
Hindi ko maitatanggi na sobrang kailangan ko pa rin siya kahit na tumanda pa ako ng ilang taon. Her sole presence is enough to give me comfort.Medyo nakampante ako nung makita kong may iniwan siyang mensahe sa cellphone ko.
'Nak, pasensya ka na hindi na kita nahintay na gumising. May kailangan lang akong asikasuhin. H'wag ka ng mag-alala, ha. Malapit na umayos ang lahat. Mahal ka ni mama.'
Kaagad akong nagtype para magreply sa kaniya.
'Ayos lang po ma. Ingat po kayo. Mas mahal ko po kayo.'
Ilang sandali pa nagsidatingan na 'yung mga employado ni Mr. E at sinabihan na akong maghanda na para sa prescon. Wala akong magawa kung hindi ang sumunod na lang sa kanila.Medyo naiirita na nga ako kasi hindi talaga nila mawalay 'yung mga tingin nila sa akin. Hinatid pa nila ako sa company building. Nung makarating kami sa isang studio, may mga sumalubong sa amin na tao at kaagad nila akong inayusan at pinasadahan ng briefing.
Ang dami nilang inexplain at sinabi sa akin pero wala ako sa wisyo para intindihin lahat ng 'yon. Halos natawag ko na ang lahat ng anghel sa langit at nadasal ko na lahat ng dasal na alam ko sa isip ko.
I was scared, all right. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari. Lalo pa't parang sobrang bilis ng takbo ng oras ngayon.
But, I was still somewhat hopeful.
I was beyond bothered by the furious hammering of my chest. Pilit na pinanghahawakan ko 'yung sinabi sa akin ni mama kanina. Malapit ng umayos ang lahat. Wala akong tiwala sa sarili ko pero malaki ang tiwala ko sa kaniya.
"Ay, pak! Ang ganda niyo ma'am." Masiglang puri nung make-up artist na nag-ayos sa akin.
Dahilan para pasadahan ko ng tingin 'yung sarili ko sa salamin.
Kung sa ibang sitwasyon siguro natuwa na ako sa itsura ko ngayon. Nagmukha akong presentable dahil sa make-up na ginawa nila sa mukha ko. Ipinusod nila 'yung buhok ko at sinuotan nila ako ng kulay gintong bistida na hanggang tuhod ang haba. Nangingintab ako dahil sa mga makikinang na beads sa damit ko at sa mga abubot na sinuot nila sa akin.
Sinubukan kong ngumiti pero kaagad ko ring binawi dahil hindi magandang tignan ang pilit. This just proves that even the highest of heels and the shiniest of dresses could not afford to fulfill my heart's desire.
I was a fool to believe that through my acting, I could manage to mask my real emotions. Pero nilalaglag lang ako ng sarili kong mga mata.
Kahit gaano pa kakapal na concealer ang ilagay nila sa ilalim ng mga mata ko at kahit ilang kulay pa ang ilagay nila para mabigyan buhay ang mukha ko, wala pa ring epekto.
"I'd rather look happy than to look pretty." Mahina kong sambit.
Pagkatapos na pagkatapos nila akong maayusan pinapunta na nila ako kaagad sa kabilang studio kung saan gaganapain 'yung prescon. Parang hindi sila napapagod sa kakasunod sa akin. Hindi ako nawawalan ng bantay.
Halos manghina ako nung madatnan naming napapalibutan na kaagad ng mga insiders 'yung lugar. Nakaset-up na 'yung mga mikropono at kamera na gagamitin nila.
Isang oras na lang at magsisimula na ang event.
Pinaghintay nila ako sa dressing room. Tsaka lang nila ako iniwanan nung makita nilang andun si Marcus. Kumunot ang noo ko dahil prente lang siyang naka-upo at nginitian niya pa ako nung makita niya ako sa salamin.
![](https://img.wattpad.com/cover/225004045-288-k378368.jpg)
BINABASA MO ANG
Leaves
FanfictionMarydale grew up surrounded by blinding lights and flashing cameras. There is no person left in the country that hasn't heard of her name. She has the fame and the fortune that every teenager are dying to have. All of her fans might have been thinki...