Chapter Nine: Masyado Pang Maaga

240 19 0
                                        

CHAPTER NINE

I wonder what it feels like to meet your ex. I have no idea since I never even had a boyfriend.

I have on screen partners, though. Linked love team partners that my management pitched in for me but that's just for plain publicity. It's far from real love. So, clearly I have no idea what it actually feels like. And honestly, it's nothing to be proud of.

Wala akong ideya sa nararamdaman nila. Ang alam ko lang, ayokong maipit sa relasyon nilang dalawa. Kung anuman meron sa kanilang dalawa labas na ako doon. I consider Ed as one of my first friend here in the camp and I wanted to keep that friendship no matter what.

Nasa field kami ngayon at nagset-up ulit sila ng bonfire para daw i-celebrate 'yung success nung first performance ng camp ngayong taon. Halos puro campers na lang din 'yung natira sa camp kasi pagkalubog nung araw nagsi-uwian na din 'yung mga tao.

"It has been like what.. two years? Grabe, Sky." Hindi pa rin makapaniwala si Donny na kausap at kasama namin si Sky ngayon.

"Oo nga! Kamusta naman ang Canada?" Dagdag pa ni Shar habang pumapapak ng barbeque.

"Canada's great! You wouldn't believe pero sobra akong nahomesick, iba pa din talaga kapag Hillcrest." Masayang tugon ni Sky.

Gusto kong tanungin si Edward kung ayos lang siya pero obvious naman sa mukha at kilos niya na hindi. Kaya tinikom ko na lang 'yung bibig ko.

"Akala ko nakalimutan mo na kami kasi sikat ka na sa mga vlogs mo. Congrats nga pala." Biro pa ni Shar.

"How come na hindi namin napanuod sa vlog mo na babalik ka na dito?"

Sky showed her sweet smile but it doesn't reach her eyes. "Surprise kasi dapat pero mukhang hindi naman lahat masaya." Napansin ko din na kanina pa siya sumusulyap kay Edward pero wala pa din naman itong imik.

Wala din naman ako masiyadong maiaambag sa usapan nila kasi sila-sila lang 'yung matagal ng magkakakilala.

Napansin yata ni Sky 'yon kaya naconcious ako nung nakatingin lang siya sa akin.

"Bakit?"

"Maymay, you look familiar. Nagkita na ba tayo dati?" Tanong ni Sky ng hindi pa din inaalis 'yung tingin niya sa akin.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan dun sa sinabi niya. Nakilala niya kaya ako? Inisip kong maigi kung anong sasabihin ko.

"Sorry, kanina ko pa talaga kasi iniisip kung saan kita nakita." Dagdag pa niya.

Hindi ko naman talaga gustong itago sa kanila o i-sikreto sa kanila. Wala din naman kasing mangyayari kung malaman nila kung sino talaga ako. Ang sakin lang, walang sense kung sasabihin ko pa.

Kilala niyo ba si Marydale? 'Yung singer slash dancer na napapanuod niyo palagi sa TV na biglang nawala nung mismong araw ng concert niya? Oo, ako 'yon. Pumunta ako dito para taguan 'yung responsibilidad ko at makaramdam naman ng kahit konting saya sa buhay kasi sa totoo lang sakal na sakal na ako.

Oh, 'di ba? Walang sense.

Ako pa din naman 'yung Maymay na nakilala nila. Ayoko lang ipangalandakan sa kanila. Mahirap na kapag dumami 'yung nakakaalam at makarating sa management ko na nandito ako.

Hindi pa ako handang bumalik. Tatlong buwan lang naman 'yung hinihiling ko, eh. Tatlong buwan para maramdaman na normal pa din akong tao.

But still..

It doesn't change the fact that I owe these people my story. Kahit sila lang muna. Panigurado maiinitindihan naman nila.

Huminga ako ng malalim.

LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon