Chapter Eleven
"Maymay, what's taking you so long?"
Nataranta ako nung kumatok na naman si Edward sa pintuan.
"Wait lang 'eto na talaga!"
Alanganin kong pinasadahan ng tingin 'yung sarili ko sa salamin. Buti na lang talaga kasya sakin 'yung mga damit ni Sharlene. Naguiguilty na nga ako kasi ang dami niya nang naibigay sa aking damit. Pero mukhang ayos lang, 'di naman siya nauubusan kasi bili pa din siya nang bili.
Pinahiram niya ako ngayon ng black and white niyang square pants na pinartneran ko naman ng pink kong crop top, tapos sinuot ko 'yung sneakers ko. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako lumalabas sa cabin eh kahit na anong tingin ko sa sarili ko, wala pa rin namang magbabago.
Siguro kasi halos isa't kalahating buwan puro sa camp lang ako. Ngayong may pupuntahan na, may dahilan na ako para mag-ayos kaya parang nakakapanibago.
Napabuntong hininga lang ako at itinali 'yung buhok ko bago tuluyang lumabas.
"Bakit?" Bulalas ko kay Edward nung mapansin kong nakatingin lang siya sa akin.
"Nagmake-up ka?"
Napaiwas kaagad ako ng tingin. Shet sabi ko na nga ba hindi na dapat ako gaano nag-ayos, eh. Hindi naman talaga ako sanay magmake up sa sarili ko lang. Naconscious tuloy ako lalo sa itsura ko.
"Panget ba? Teka, buburahin ko lang."
"H'wag. Maganda naman, eh." Seryoso 'yung pagkakasabi niya kaya natigilan ako.
Parang mas gugustuhin ko pa tuloy na nagbibiro lang siya kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.
"Uhm.. thanks dzai?" Sabi ko na lang ng may pilit na ngiti.
Wow, Marydale. May i-aawkward ka pa ba dyan?
Hindi rin talaga ako marunong magreact nang maayos sa mga compliments kaya nauna na lang ako maglakad papunta sa sasakyan bago kung ano pa 'yung masabi ko.
Inutusan kami ni Lola Remy na mag-abot ng mga papeles kay Mayor para sa gaganapin na Talent Camp Festival. Actually, si Donny talaga dapat 'yung mag-aasikaso ng mga papeles kaso nagkaproblema sa may sound system kaya nakisuyo na lang siya sa amin. Tutal kaming dalawa lang din ni Edward 'yung hindi gaanong busy ngayon.
Anim na linggo na lang 'yung natitira. Halos anim na linggo na din akong tumutuloy sa camp site na 'to at hindi ko na namalayan. Malapit ko nang makalimutan na hiram lang 'yung mga oras sa pagtuloy ko dito. Hindi pa nakatulong na may itinatago ako sa mga taong itinuturing na akong kaibigan.
"Ayos ka lang?"
Napalingon kaagad ako kay Edward nung magsalita siya. Minsan talaga pakiramdam ko nababasa niya 'yung iniisip ko, eh. Ngumiti na lang ulit ako nang pilit.
"Psh, oo naman dzai." Sabi ko habang pinipihit 'yung ulo ko para hanginin 'yung nakatali kong buhok papunta sa kabilang balikat.
Tumawa lang siya habang umiiling.
Tinuon ko na lang 'yung tingin ko sa may bintana. Hindi talaga ako magsasawang pagmasdan 'yung paligid dito sa Hillcrest. Kung hindi kasi mga pine trees 'yung nakakapukaw ng atensyon ko, napupunta sa mga bulaklak na may iba-ibang kulay.
"Gusto mo buksan ko 'yung bintana?"
Dali-dali akong tumango sa tanong ni Edward. At napapikit lang ako nung tumama na sa pisngi ko 'yung malamig na simoy ng hangin. Makulimlim 'yung ulap pero mukhang hindi pa naman uulan. Nilabas ko 'yung kamay ko sa may bintana, alam ko naman na hindi ko mahahawakan 'yung hangin kaya hinayaan ko lang na dumaan sa pagitan ng mga daliri ko.

BINABASA MO ANG
Leaves
FanfictionMarydale grew up surrounded by blinding lights and flashing cameras. There is no person left in the country that hasn't heard of her name. She has the fame and the fortune that every teenager are dying to have. All of her fans might have been thinki...