Chapter 3- He's Mine

631 22 9
                                    

Max' POV

"That bitch stole Kurt from me !" Sabi niya at what the-- Anong kaartehan to ?! Kunwari ay napaupo siya sa sahig at umiyak .

Hindi lang pala 'to malandi , best actress pa .

Napairap na lang ako sa ginawa niya , naramdaman kong lumapit si Kurt sakin . Hinawakan niya ko sa balikat saka bumulong sa tenga ko . "Let's go ."

Naglakad na kami pero nagulat ako ng may humila ng buhok ko .

Lumingon ako at tiningnan siya ng masama . Isa sa mga bubuyog na sumusunod kay Nicia . =_____=

Sabihan na nila ako ng masasama , actually I don't care . Pero ang hawakan ako , malalaman nila kung sinong kinakalaban nila .

Nagstep ako papalapit sa kaniya at siya naman ay nakapameywang pa . "Hayaan mong ako ang magturo ng leksyon sa babaeng yan ." Sabi ni Nicia at hinawi yung babae at siya ang humarap sakin .

Tinaasan ko lang siya ng kilay .

"You slut ! Hindi mo alam kung sinong kinalaban mo !" Sabi niya sakin at akmang sasampalin ako pero naharang ko yung kamay niya at pinilipit yun . Napa-'aray 'naman siya dahil dun .

"BACK.OFF. He's mine ." Sabi ko sa kaniya at iniwan siyang nakatulala at naglakad palayo . Maging si Kurt ay nagulat rin pero sumunod din siya sakin .

Napatigil ako ng magsalita ulit si Nicia . "Mukhang hindi mo talaga alam kung sinong kinalaban mo , hindi mo ba alam na pwede kitang paalisin sa school na 'to kung gusto ko ?" Napangisi ako pati si Kurt ay kumunot ang noo . Wala namang ibang nakakaalam kung hindi kami lang ni Kurt .

Ang pinagmamayabang ba niya ay Principal ang nanay niya dito ? Tumawa naman yung iba dahil sa tingin nila'y talo na ko . Pero nagkakamali sila ...

"Go ahead . Samahan pa kita . Pero baka pagsisihan mo , baka sa halip na ako ang mapaalis , eh mawalan ng trabaho yung magulang mo ." Sabi ko sa kaniya .

Pero tumawa lang ulit ang mga tao sa narinig nila , bakit ? Akala ba nila nagbibiro ako . Naglakad ako papunta sa Office ng Principal .

Sumunod naman sila pati na rin si Kurt sa akin . Hinihintay ba nilang mapahiya ako ? Pwes , baliktad ang mangyayari .

Hinawakan ni Kurt yung braso ko na parang pinipigilan ako . Tumingin lang ako sa kaniya .

"Sigurado ka ba sa gagawin mo ?" Sabi niya pero tiningnan ko lang siya .

"Ang tagal mong tinago 'to ." Sabi pa niya na mukhang nagwo-worry pero nagdire-diretso pa rin ako , hindi ko lang naman ginagawa 'to para mapahiya yung bubuyog na yun . Ayoko ng matakot sa mga taong yun .

Nagulat naman yung principal sa pagdating ko pero mas nagulat siya  na kasama ko ang anak niya habang may malaking ngiti sa labi .

Makikita niya .

Maraming tao ang nakiusyoso at nag aabang sa mangyayari .

Nagbow sakin ang principal na kinagulat ng lahat lalo na si Nicia .

"Ma, bakit ka yumuyuko sa kaniya ?! Alam mo bang malaki ang kasalanan ng babaeng yan sakin ?! Gusto ko na mapaalis na siya dito ."

"Shut up Nicia ! Wag kang mag-eskandalo . Pasensya ka na Maxene ." Sabi niya kaya napangiti ako . Nagulat ang lahat sa sinabi ng Principal .

"But ma--"

"Tumahimik ka na lang kung ayaw mong mapaalis ako dito ." Sabi naman niya .

"Bakit ? Yang babaeng yan ang dapat mapapaalis dito !" Nakita kong hindi malaman ng Principal kung paano ipapaliwanag .

"Go ahead Ma'am  ." Sabi ko sa kaniya .

"But--" sabi niya na hindi makapaniwala .

"Okay lang ." Sabi ko sa kaniya na mas kinagulat niya at mukhang nagwo-worry din sakin . Alam niya kung anong pwedeng mangyari but I don't care .

Huminto siya saglit at nagbuntong hininga .

"Hindi pwede kasi siya ang nagpapatakbo ng school na 'to . Sila ang may-ari nito ." Sabi niya kaya naman napasinghap lahat .

"What ?! That's not true ! How can it be that this girl will manage this school ?!" Sabi ni Nicia

"Yun ang totoo ." Sabi pa ng nanay niya .

Nakita kong namula si Nicia sa kahihiyan . Nag-smirk lang ako at lumabas ng Principal's Office . Lahat ng nakaharang sa dadaanan ko , tumatabi . Tss .

*

Pagkatapos ng nangyari ay lahat ng makikita ko , yumuyuko na rin sakin . Kaya ayoko ng ganto ee . Pero nagawa ko na . Hindi ko na mababawi .

Nasa cafeteria kami ni Kurt ngayon at kumakain ng lunch .. dahil libre nga niya ang pagkain ko for 1 month .

Inalis ko muna sa isip ko yung nangyari kanina kahit na aaminin ko , kinakabahan ako sa pwedeng mangyari .

Kahit si Kurt ay seryoso na rin .

"Wag ka ngang seryoso . Ang pangit mo ." Sabi ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ako .

Pero maya maya ay ngumiti siya at tumingin sakin na parang may naalala . Abnormal talaga . =____=

"Bakit ganiyan ka makangiti ?" Sabi ko sa kaniya .

"May naalala lang . Di ko alam na possessive ka pala . Siguro may gusto ka sakin nu ? Aminin mo na ." Sabi niya sakin . Ano bang sinasabi nito ?

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo ." Sabi ko naman sa kaniya .

"Kasasabi mo lang kanina ." Sabi niya na may malaking ngiti pa rin .

Teka , ang sinasabi ba niya ay yung sinabi ko kanina na ..

"Shut up ! Sinabi ko lang yun para tumigil na siya ." Sabi ko pero nginisian niya lang ako . =_____=

BACK.OFF. HE'S MINE .

Ang possessive nga ata nang pagkakasabi ko nun . Pero nagpapanggap lang naman akong girlfriend niya kaya ko sinabi yun . Ewan ko nga kung bakit naextend . Dapat kagabi lang yung pagpapanggap na yun ah !

Nasabi ko tuloy ng wala sa oras yung sikreto ko .

Pagkatapos namin ay bumalik na kami sa classroom at ayoko ng special treatment na natatanggap ko . =_____=

"Kyaaaah . Bagay po kayo ni Kuya Kurt . Ang ganda niyo po ." Sabi sakin ng isang 2nd year student . 4th year pa lang kami ni Kurt .

Pero parang kanina lang Kurcia ang sinisigaw ng mga tao .. ohmygosh . Naalala ko na naman ang pangalan ng loveteam nila .. eeew .

At ang isa pang kinaiinisan ko . Hindi pa rin naalis ang ngiti ni Kurt sa labi niya at tuwing titingnan ko siya , titingnan niya lang ako ng mapang asar .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon