Chapter 25- These Two Handsome Guys

250 9 2
                                    

Hi Guys! ^___^ Thank you sa mga nagcomment sa last chapter at sa mga votes! Natutuwa talaga akong magbasa ng comments. Haha. Comment ulit kayo. Abusado ee? XD Anyway, sorry po kung ngayon lang. Disconnected ang wifi namin. XD Nakiki-wifi lang tuloy ako sa school. Haha. Tapos hindi pa keri ng data connection. :3
---
Maxene's POV

Agad kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak ni Russ.. Pupuntahan ko sana si Kurt kaso tinawag na yung mga players meaning start na ng laro.

Naupo na lang ako sa bleachers at ganun din si Russ. Medyo dumistansya na lang ako sa kaniya kasi baka kung anong isipin ni Kurt.

Ibang school ang kalaban nila. Todo cheer naman ang mga students . Lalo na ang mga babae.. Syempre ang chinicheer ng mga taga-dito sa H.U. ay ang team nina Kurt at ang chinicheer ng kabilang school ay team ng school nila? No. Ang team nina Kurt din ang chinicheer nila. =____=

Nakita ko sa kabilang bleachers ang grupo ng mga babae na may hawak ng mga banner! At tili ng tili kay Kurt at sa mga kateam niya. Mas gwapo kasi ang mga members ng basketball team ng H.U. Kainis! Makatitig! Ang lalandi! Dukutin ko mga mata nito.

Sa ngayon, ay nakalalamang ang kalaban naming school kaya naman tensed ang lahat. Nagtataka na rin ang karamihan kasi tuwing napupunta kay Kurt ay pinapasa niya ‛to kahit kaya niya namang i-shoot ‛yun. He’s looking into me all the time and sa tingin ko he’s really distracted, lumayo ako kay Russ. I know Kurt very well, and by the looks of it.. Nagseselos siya. Gusto ko sanang mapangiti kaso hindi muna ngayon ang time para magdiwang, matatalo ang school namin.

“Oh. Boyfriend mo pala ‘yun? Marunong ba talaga magbasketball 'yan?” Sabi ng katabi ko nang mapansin niyang nakafocus lang ako kay Kurt at nanadya ata ‛to at lumapit pa sa ‛kin. Sinamaan ko siya ng tingin.

“And what do you mean by that?!” Sabi ko sa kaniya. He just boringly stared sa baba kung saan na kay Kurt ang bola. Kurt took a glance at me and I saw how pain covered his face. Pagkatapos ay shinoot niya ‛yung bola. Everybody was waiting sa pagpasok ng bola-pati ako, but it turned to be the opposite. He missed it. Bakas sa mukha ng mga tao ang pagtataka. He can't miss it. He never missed it. Yes, hindi masipag si Kurt umattend ng training but kahit ganun, he’s still a pro. Another thing, many girls admire about him. Kurt is a good basketball player. Pagkatapos noon ay bigla na lang siyang nag walk out. Napatayo naman ako. Nakagat ko ang labi ko. It’s my fault. Lahat ng mata ngayon ay na sa ‛kin. Kanina pa rin siguro nila napapansin na sa ‛kin lang nakatingin si Kurt. Knowing Kurt! Napakaseloso niya.

“San ka pupunta?” Nakunot noong tanong sa‛kin ni Russ.

“Wag mo muna ko guluhin. Please. Susundan ko ang BOYFRIEND ko.” Sabi ko. Emphasizing the word.. BOYFRIEND. He just rolled his eyes and shrug. Umalis na ko pero naramdaman kong sumunod na rin siya. I searched for my phone sa bag pero wala 'yun. Sht. Kung kailan naman kailangan ko! Nandito lang 'yun ee.

I continued searching for Kurt sa buong school pero wala. It was 2:30 in the afternoon. Mabuti na lang at napagod din ata si Russ at hindi na siya nakasunod sa ‛kin. Hay. Nakaka-stress ang araw na ‛to. Isipin ko pa lang na makakasama ko ang lalaking ‘yun na may MAGANDANG ugali sa iisang bahay.. Kumukulo na ng dugo ko, and ngayon ay hindi ko makita si Kurt! Dahil din sa lalaking ‛yun. Although it’s not really his fault. That’s what her mother commanded him pero kung hindi siya sunod ng sunod at hindi niya ko iniinis—Ugh. What's the sense of it all?! Hindi ko naman mahahanap si Kurt with my rants!

Ang hirap talaga maghanap since marami ring tao kaya naman mas mahirap maghanap. Until nag 6 pm na but still wala siya.

I decided na umuwi na and i-check si Kurt sa bahay nila or sa condo unit niya. Pumunta na ko sa parking lot and nagdrive muna pauwi. Pag dating ko ay nagulat ako sa nakita ko. Pa’no kasi ay nandito sa sala si Russ at prenteng prenteng nakaupo with his arms crossed. Anong ginagawa niya dito?! And to make everything worst, nandito din si Kurt! Nakatayo siya sa gilid ng sofa also with his hands on his pockets. Nagsusukatan sila ng tingin ni Russ.

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon