Feel free to voice out your opinion for my story guys . :) Thank you . ;*
----
"Ms. Razor , are you with us ?" Tanong sakin ng teacher ko , tiningnan ko lang siya na parang nagtataka . Bakit ? Anong ginawa ko ?
"Kanina ka pa kasi nakatulala diyan na parang ang lalim ng iniisip mo . Si Mr. Chavez ba yang iniisip mo?" Sabi niya . Napakunot ang noo ko . Si Kurt ? Bakit ko naman iisipin 'yung babaerong 'yun ?! Napatingin ako sa upuan niya na katabi ko lang . Wala pa rin siya ?! Nakikipaglandian pa rin ba sa bagong tansferee hanggang ngayon ?! Bwisit !!! Naalala ko na naman yung kanina .
"Bakit ko naman iisipin 'yung lalaking 'yun ?! Huh ?! Bwisit !" Sabi ko at padabog na umalis . Mukhang nashock ang teacher ko sa inasal ko . Kahit ako nagulat din sa ginawa ko , never pa kong nambastos ng teacher ! Ugh !
Kasalanan ni Kurt kung bakit ako nagkakaganto !
Dumiretso na lang ako sa office ko , kailangan ko munang ibaling sa iba yung iniisip ko .
Oo , may office ako . Diba ako nga ang nagpapatakbo ng school pero ngayong 4th year lang yun nagsimula at trine-train pa lang ako ni mama . Siya ang nagpapatakbo nitong school dati .. yes , may iba rin namang pinagkakaabalahan ang mama ko bukod sa bigyan ng meaning ang friendship namin ni Kurt .
Pumunta ako sa table ko at umupo doon , mag-aayos na muna ako ng papers ng mga estudyante . Siguradong magugulat na naman si mama at gumagawa ako ng paperworks ng school .
*knock.knock.*
"Pasok ." Walang ganang sabi ko .
"Maxene . Kain na tayo . Lunch na ." Nagulat ako ng makita kong si Kurt ang pumasok . Muntik ko na makalimutan yung libreng lunch ah , buti na lang marunong tumupad ng pangako 'tong lalaking 'to . Pero naiinis pa rin ako .
"Buti naisipan mo pang magpakita ? Akala ko buong araw kayo mag-uubusan ng hininga nung bagong transferee na 'yun ee ." Sabi ko .
"Ha ?" Painosenteng tanong niya .
"Nakita ko kayo sa exit ." Sabi ko , mukhang nagulat naman siya pero binawi niya rin 'yun at ngumiti ng parang may naiisip na kalokohan .
"Yieee . Max , di ko naman alam na ini-stalk mo ako . Tsk . " tss . Ang kapal talaga ng mukha .
"Shut up . Hindi pa ko nawawala sa katinuan para aksayahin ang oras ko sa pagsunod sayo at pag-alam kung ilang babae na ang naloloko mo . " sabi ko naman . Pero mas lalong lumawak ang ngiti niya .
"Hindi naman ako nangloloko ng babae , sadyang gwapo lang ako kaya sayang naman kung isa lang ang makikinabang ." Sabi pa niya . Gosh . Bakit ba may ganito pang lalaking nabubuhay ? Dapat sa mga ganto inuubos .
"Kung saksakin kaya kita diyan para mabawasan naman ang mga babaero dito sa mundo ?"
"Hindi pwede , kasi sure ako kahit ikaw magluluksa din dahil mababawasan ang mga gwapo ." Sabi niya na may mapang-asar na ngiti .
Paano ba ko nakatiis na maging kaibigan ang ganto kahanging tao ? Iniisip ko nga na baka may pinapainom siya sakin kaya napagtitiisan ko pa siya . May gayuma ba para sa magkaibigan ? Hay . Bahala na nga .
Tumayo na ko dahil mukhang sa walang kabuluhan mapupunta ang oras ko kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipag-usap sa kaniya . Naramdaman ko namang sumunod siya sakin at maya maya ay sumabay na sakin sa paglalakad .
Pumunta na kami sa cafeteria , narinig ko namang parang pigil ang tili ng mga babae sa pagdating ni Kurt . Bakit ? Kasi nandito ako ? Kahit maghapon pa nilang tilian si Kurt , wala akong pakialam . Ay , meron pala . Baka mabasag ang eardrums ko , mahirap na .
Nakakita kami ng isang bakanteng table at umupo doon , table for 4 'yun at magkaharap kami ni Kurt , di bale may dalawang bakanteng upuan sa tabi namin .
"Anong gusto m-" tanong ni Kurt pero may pumutol sa kaniya na malanding boses .
"Hi Kurt baby . Can I join you here ?" Sabi niya at parang hindi man lang niya napansin na may kasama na si Kurt .
"Oo naman ." Sabi ni Kurt at ngumiti pa . Makakapatay ata ako ng wala sa oras . Umupo naman yung babae sa tabi ni Kurt .
"Hoy Kurt , ibili mo na ko ng pagkain , ikaw na bahala pumili ." Sabi ko sa kaniya at tumayo na siya , tinaasan lang ako ng kilay nung babae , siya yung transferee and if I'm not wrong , Trixie ang pangalan niya .
"Oh my gosh . Sabi na nga ba at mali ang rumors na ikaw ang may-ari ng school . I guess , wala kang pera kaya kay Kurt ka nagpapabili ng pagkain ." Sabi niya . Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya . Iniisip ba niyang hindi ko kayang bumili ng pagkain ko ?
"Saka hindi rin ako naniniwala na ikaw ang girlfriend ni Kurt , so cheap ." Sabi niya at parang nandidiri na tumingin sakin pero nginitian ko lang siya .
"At sino ang girlfriend ni Kurt ? Ikaw ? Gosh . Ni hindi ka pa nga ata pasado sa unang standard pa lang ni Kurt sa babae ." Sabi ko sa kaniya .
"At ano naman 'yun ?" Sabi niya .
"Uhm . I really feel sorry na ako ang magsasabi sayo nito . Pero ang unang standard ni Kurt sa babae , kailangan tao ." Sabi ko pero parang naguluhan siya sa sinabi ko .
"Kung hindi mo naiintindihan , ipapaliwanag ko sayo . Hindi ka mukhang tao kaya hindi ka magugustuhan ni Kurt , actually you look like a piece of dirty trash for me ." Sabi ko na dahilan para mamula siya sa galit . Sinimulan niya ko tapos hindi niya pala ako kaya .
"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin yan ! Di mo ba alam kung sino ako ?!" Ano 'to ? Parang si Nicia lang ah . Nicia the Second ?
"Yeah . I know who-- oh I'm sorry . I know WHAT you are . Like what I've said , you're just a piece of trash ." Sabi ko at nginisian ko siya . Lalo naman siyang namula sa galit .
"Oh . I forgot , pano ka nga pala nakapasok sa school ko ? Hindi naman 'to tambakan ng basura ah . At marunong pala mag-aral ang katulad mo ? Isn't it difficult for you para makisalamuha sa mga tao ? Saka why are you wasting your time ? Ee diba ? Patapon ka na ." Sabi ko . Padabog na tumayo siya at nagwalk out . Anubayan , ganun lang yun ? Hindi man lang ba siya gaganti ? Ang boring naman . Nagiging warfreak na ata ako . Hay , hayaan ko na lamg siya , hindi niya ata matanggap ang katotohanan . Sakto ring dumating si Kurt .
"Ano nangyari dun ?" Tanong ni Kurt na dala yung mga pagkain namin .
"Sinabi ko lang sa kaniya ang totoo . If you want , sundan mo rin siya ." Sabi ko sa kaniya at kinuha ang slice ng chocolate cake na binili niya .
"Hmm . Bakit ko naman siya susundan ? Ee nandito ang gusto ko ." Nagulat naman ako sa sinabi niya kahit ata siya nagulat rin .
"I mean , n-nandito yung gusto kong pagkain ." Sabi niya pero napangiti na rin ako , alam ko namang nagdadahilan lang siya .
Well , natutuwa naman ako na kahit babaero 'tong si Kurt . Hindi niya ko pinagpapalit lalo na kung nagkakaroon kami ng away ng mga nagiging babae niya , like now . Alam kong mas pipiliin pa rin niya na samahan ako . Subukan lang niya na piliin yung mga babae niya , babatukan ko siya .
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ko sa office , tinatamad pa akong pumasok at si Kurt naman , sumunod rin sakin .
"Pumasok ka nga sa klase . Hindi mo na naman ako papatahimikin ." Sabi ko sa kaniya pero humiga pa siya sa sofa na nasa office ko .
"Inaantok ako ee ." Walang ganangg sabi niya .
"Para may magawa ka namang maganda , tawagin mo si Mrs. de Leon . " sabi ko sa kaniya . Bumangon siya at sinimangutan ako .
"Bakit ako ? Mag-utos ka na lang ng ibang estudyante ." Sabi niya .
"Nakiki-aircon ka na nga lang sa office ko . Aarte ka pa . Gusto mong patalsikin kita diyan at hindi ka na makapasok dito ." Sabi ko kaya naman tumayo na siya at lumabas para tawagin si Ma'am de Leon . Good boy . :)
--xx
BINABASA MO ANG
Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)
Teen FictionI'll publish a revised edition of this story here in wattpad. 'Yun na lang ang basahin niyo. Malaki yung kaibahan niya dito and tatanggalin ko na din itong version na 'to soon. Just got to my profile and makikita niyo 'yun dun. Story by: MissyDoll C...