Chapter 11-New Friend ?

516 21 8
                                    

"At bakit mo tinatanggal yang mga bathing suit ko ?" Nakapameywang na sabi ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay .

"Pwede ka namang magshort at t shirt na lang ." Plain na sabi niya at bumalik sa paghahalungkat ng gamit ko para i-check kung may dala pa ba akong bathing suit doon .


Minsan nga iniisip ko kung bakla siya kasi tuwing pupunta kami ng beach chinecheck niya ang gamit ko para tingnan kung may two-piece ba ako o kung anumang daring na damit .. bakit ba ? Beach kaya 'yun .. Anong gusto niya ? Magpajama ako ? =____=


"Wala na 'yan . Natanggal mo na lahat . Naiingit ka siguro , kung gusto mo pwede naman kitang pahiramin para hindi--" Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman tumahimik na lang ako .

Pumunta naman siya sa closet ko para maghanap ng ibang damit na ipapalit niya sa mga tinanggal niya . Hinayaan ko na lang siya dahil wala na naman akong magagawa .


"Sumugod ka ba talaga ng 3 am para lang diyan ?" Oo , 3 am pa lang . At mamayang 6 ang alis namin . Dala na niya yung mga gamit niya pati na rin ang sasakyan na gagamitin namin .


Nakakainis lang kasi pumunta siya dito na parang walang nangyari at akala mo okay na kami . Ugh . Ang galing talaga ng vacation na 'to . Pano ako makakamove on ?


Damn MOVE ON . Bakit ba kailangan pang humantong ako doon ?

Napatingin ako kay Kurt na patuloy pa rin sa pag aayos ng gamit ko at hindi niya man lang pinansin ang tanong ko .

"Bakit hindi ka doon sa girlfriend mo pumunta ? I-check mo kung may dala rin siyang ganiyan ." Sabi ko .

"Bakit ? Pupunta ba si Keith dito kaya ayaw mong nandito ako ?" Naiinis na tanong niya sakin .

"Oo . Nasan na kaya siya ? Sabi niya kasi sabay kaming magbre-breakfast ee ." Sabi ko at tumingin pa sa relo na kunwari'y naiinip na .

Tumalim naman ang tingin niya . "Bakit ? May girlfriend ka na naman diba ? Bakit ba hindi siya yung bulabugin mo ? Inaantok pa ko ." Sabi ko at umupo sa may kama ko .

"Wala naman kasi akong dapat ipag-alala kasi sexy naman siya kapag nakasuot siya ng ganiyan . Ee ikaw ? Baka matakot yung mga tao sayo ." Ah ganun pala ?! So sinasabi ba niyang hindi ako sexy ?! At ang Trixie na malandi na 'yun ang may magandang katawan ?!!


"Joke lang . Nagselos ka naman . Mas sexy ka pa rin sa kaniya ." Sabi niya kaya naman sinamaan ko na lang siya ng tingin . Ang sarap talaga hambalusin ng electric fan 'tong lalaking 'to , parehas silang mahangin . Ako ? Magseselos ? Alam ko naman talaga na mas sexy ako sa malanding yun .


"Tapos ka na ba ?" Tanong ko sa kaniya .

"Oo . Ibababa ko na 'to ." Sabi niya at binuhat na ang mga gamit ko .


Hinayaan ko na lang siya . Siya naman ang nagpresenta ee .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon