Chapter 15-Wish to the .. Fireworks ?

609 18 12
                                    

Dedicated sa kanya na bago kong friend dito sa wattpad :) Thank you sa mga feedbacks mo sa story na 'to . ;*

Tagal di nakapag-update . :D Ngayon ko lang natype . Haaay . Tapos na ang highschool life ko . XD Hello college life !

--

Pagkatapos noon ay umalis na rin sina Trixie . Maghahanda daw sila ng pagkain para mamaya . Hinayaan na lang namin sila para magkaroon sila ng time . :D Halata namang parehas silang may gustong aminin sa isa't isa .

 

"Ano nang gagawin natin ?" Tanong ko kay Kurt . Nandito kami sa isang cottage , tinatamad na kasi kami magswimming .

"Halika , upo muna tayo doon ." Sabi niya saka ako hinila papunta malapit sa dagat . May dalawang malaking bato doon kaya doon na lang kami naupo .

"Anong gagawin natin dito ?" Tanong ko sa kaniya .

"Gusto ko kasi mapanood yung sunset kasama ang taong mahal ko ." Sabi niya at feeling ko ang init na naman ng mukha ko . Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman hindi na ko nagsalita .

"Alam mo ba noong una kitang nakita nung bata pa tayo sa garden niyo na umiiyak , sinabi ko sa sarili ko na ako ang magpapatahan sayo at hindi ka na ulit iiyak . Pinangako ko rin na papakasalan kita at mamahalin habangbuhay . O diba ? Bata pa lang tayo , tinakda na kita para sakin ng wala kang kaalam alam ." Sabi niya kaya natawa ako . Naalala ko rin ang daddy ko , siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak noon . Namatay kasi siya dahil sa sakit sa puso at nalaman ko rin noon na hindi pala niya ako tunay na anak , iba ang totoo kong tatay pero kahit ganun tinanggap niya si mommy at minahal niya ko na parang sarili niyang anak .

"Kahit na ang sungit sungit mo , pinagtyagaan kita ." Sabi pa niya . Simula ng namatay ang tinuring kong daddy , naging malayo ako sa ibang tao at si Kurt lang talaga ang nagtitiyagang lumapit at kumausap sakin .

"Ang ikalawang beses na nakita kitang umiyak ay noong namatay ang totoo mong daddy . Naisip ko na hindi kita kayang pigilan na masaktan , hindi ko rin mapipigil na pumatak ang luha mo at ang magagawa ko lang ay damayan ka at hindi ka iwan lalo na sa mga panahon na kailangan mo ako . Hindi ako superhero para mailigtas ka sa lahat ng pagkakataon pero pinapangako ko na proprotektahan kita sa abot ng makakaya ko ." Sabi niya at ngumiti . Yung ngiti na matutunaw ka . Ang swerte ko na magkaroon ng kagaya ni Kurt sa tabi ko .

"Lagi na lang akong iniiwan ng mga lalaking minamahal ko kaya wag mo akong iiwan ulit ha . " Nagulat ako sasarili ko ng bigla ko na lang iyong nasabi pero totoo naman , noong makilala ko ang tunay kong ama , saka naman siya namatay . Car accident ang kinamatay niya at pagkatapos noon ay ipinamana niya sakin lahat ng mga pagmamay-ari niya kasama na roon ang Hitareku University , ang school na pinapasukan namin ngayon .

" I already made a mistake once and I can't bear to lose you again ." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko saka hinalikan iyon . Feeling ko uminit ulit . Ano ba 'yun ? >////< Damn .

Pagkatapos noon ay tumahimik kami parehas at pinanood ang paglubog ng araw habang hawak niya pa rin ang kamay ko .

 

"Halika na ? May ipapakita ako sayo ." Sabi ni Kurt . Medyo madilim na dahil lumubog na nga yung araw .

 

"Ano naman 'yun ?" Tanong ko .

"Basta ." Sabi pa niya at ngumiti saka ako hinila papunta sa isang part na malapit pa rin sa beach . May bonfire doon at may nakakalat na rose petals sa paligid . Napangiti naman ako . Umupo kami sa gilid noon habang pinaglalaruan ko yung mga petals na nakakalat .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon