Chapter 27- Having You Is More Than Eternity

232 9 0
                                    

A/N:Sorry kung ngayon lang po. :) Sabi ko kasi alternate ang UD. Tinapos ko muna 'yung UD sa LOVE and Lies. Pakibasa na lang rin po! Haha. Thank you. Medyo nakakaloka ang pagshi-shift ng POV mula kay Feira(Love and Lies) na may pagka-btchy at childish papunta kay Max na medyo serious and mature? Haha. Mature nga ba? Natatakot kasi ako na mapaghalo ang dalawang personality. Haha.

Maxene's POV

Huminto muna kami sa isang fast food chain bago kami tumuloy sa pupuntahan namin. Madami pa 'kong dapat asikasuhin pero ang kulit talaga ni Kurt kaya naman wala akong magawa kung hindi sumama! Ugh! Napilitan nga lang ba? Fine! Gusto ko rin naman kasi.

"What do you want?" Tanong niya sa 'kin.

"Spicy Chicken." Sabi ko saka binalik ang tingin sa phone ko. I'm texting Aina and Trixie right now para sabihin sa kanilang hindi ako papasok. Naramdaman ko namang umalis na siya. Pero maya maya ay may umupo ulit sa harap ko.

"Bakit bumalik k--"

"So, Maxene right?" Napataas ang kilay ko nang nakita ko ang isang babae na nakablack dress na kumikinang pa na akala mo ay galing sa club. Seriously? Gan'to kaaga?

"Yes. Who are you?" Tanong ko saka tumingin sa phone. Nagreply kasi si Aina. It's kinda' rude but I don't feel like talking to her.

"I'm Kurt's ex." Sabi niya kaya naman napabalik ang tingin ko sa kaniya. Napatango ako. Bakit ba hindi pa ko nasanay? Tuwing may babae na kinulang sa tela ang suot ang lumalapit sa 'kin ay isa lang ang sinasabi nila. 'I'm Kurt's ex.'

"Really?" Sabi ko at mukhang nainis siya sa reaction ko. Ano bang gusto niya? Mag-hysterical ako dito? Aba, kung ganun ang magiging reaction ko kada may makita akong ex ni Kurt ay baka maging baliw na ko sa dami nila. -___-

"Wag kang masyadong mayabang. Akala mo ba, porque't bestfriend ka niya dati, hindi ka rin niya paglalaruan?" She said saka siya nag-smirk. I smiled.

"I'm not like you." Sabi ko.

"How sure are you? Kurt's an expert in playing with hearts." Sabi niya. Sasagot pa lang sana ako ng biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"But playing with her heart is not part of my game." Narinig kong sabi ng lalaking nasa likod ko. Para namang namutla ang babae na nasa harapan ko.

"K-kurt." Nauutal na sabi niya.

"Umalis ka na dito bago pa ko may magawa sa 'yo. At pakisabi na rin sa mga kasama mo na 'wag na kaming guguluhin." Malamig na sabi niya pero sa di malamang dahilan ay kinilig ako. Tumango ang babae saka agad na tumakbo paalis. Takot sila kay Kurt? Umupo si Kurt sa harap ko at inilapag ang pagkain.

"You okay?" Tanong niya sa 'kin. Ngumiti naman ako saka tumango.

"Bakit nga pala sabi mo 'wag na rin akong guguluhin ng mga kasama niya. Bakit? May samahan na ba ng 'Mga Ex ni Kurt Chavez, The Ultimate Playboy' at ang dami dami nila?" Sabi ko saka tumawa. SInimangutan niya lang ako.

"She's not my ex and they're not my exes." Sabi niya saka inalis sa tray 'yung order ko at inilagay sa harap ko.

"Well then, ano? Iba pa 'yun? Aba, dapat pa pala akong mas maghanda." Sabi ko. Ipinatong niya 'yung kamay niya sa table saka inilapit ang mukha niya sa 'kin.

"Sino bang nagsabi sa 'yo na may mga ex ako? Didn't I told you na ikaw pa lang ang nagiging girlfriend ko at wala ng susunod pa? Kasi ang girlfriend ay sineseryoso at hindi pinaglalaruan. Bakit? Sineryoso ko ba sila?" Sabi niya. Natahimik ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ako. Ano bang dapat i-react ko kapag bumabanat 'tong si Kurt? Bukod sa pamumula ng mga pisngi ko at pagtalon ng puso ko? Ano pa? Ngumiti naman siya ng mapansin na wala akong masabi.

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon