Chapter 16- Phone Call

437 19 9
                                    

Maxene's POV

Nakatingin lang kami ni Trixie kay Aina since hindi naman niya kami pinapansin kanina , pinagpatuloy na lang namin ang pagkain namin pero natapos na kami't lahat , hindi pa rin siya tapos . Umalis na nga si Keith at Kurt kasi maliligo daw sila . Tinanong ko kung sabay sila pero sinamaan lang nila ako ng tingin . May nasabi ba kong masama ? Pero hindi 'yun ang concern ko ngayon . Hindi pa nagagalaw ni Aina ang pagkain niya at tinutusok tusok lang niya yung manok sa plato niya na parang gustong patayin . =___=

"Gusto mo bang madouble dead na 'yan ?" Tanong ko sa kaniya . Gulat naman siyang napatingin sakin pagkatapos ay kay Trixie na nakatitig rin sa kaniya .

"Pinapanood niyo ba ko ? Bakit hindi pa kayo kumakain ?" Tanong niya samin pero tinitigan lang namin siya at hindi nagsalita kaya naman napatingin siya sa mga plato namin at doon lang niya naisip na tapos na kami . =___=

"Hehe . Ganon na ba ko katagal ?" Tanong niya kaya naman napailing na lang kami . Tsk . Ano bang trip niya ngayon ?

"Ano bang nangyari sayo at pati manok gusto mong patayin ?" Sabi ko sa kaniya saka umirap .

"Oo . May gusto nga akong patayin !" Sabi niya na ikinagulat namin . Anong sinasabi nito ?

"OMG . Wala naman kaming ginagawa ah . Bakit gusto mo kaming patayin ? Diba friends na tayo ? Wag . Mahal ko pa ang buhay ko !!" Sagot naman ni Trixie . Oh Ghaaad . Bakit ba ko nagkaroon ng mga kaibigang baliw ? =____=

"Hindi naman ikaw ang papatayin ko . Next time ka na lang ." Sabi niya at ngumisi , nanlaki naman ang mata ni Trixie .

"Waaaaaaaaa-" Sigaw niya pero napatigil siya ng sinamaan ko siya ng tingin .

"Ang gusto kong patayin ay yung pinsan mong mayabang ! Waaaaah ! Pag naaalala ko yung kayabangan niya , parang gusto ko siyang isabit ng patiwarik !" Sabi niya at kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya .

"Ano bang ginawa sayo ni Kuya Reind ? Diba sinabihan na kita , masungit talaga 'yun ." Tanong ko sa kaniya pero umiling iling lang siya .

"Binalaan mo nga ako pero hindi mo naman sinabi na may pinsan ka palang mas malala pa kay Kuya Reind . Ano nga ulit pangalan nun ?! Bid ? Sid ? Wid ? Kid ? Mid ?" Sabi niya .

"LID ?! Si Kuya LID ba ang sinasabi mo ? Nandito siya ?!" Tanong ko sa kaniya .

"Oo . Yun nga LID . Ang sama ng ugali niya ! Binasa niya ko kanina !" Sabi niya pa .

"Bakit ka naman niya binasa ?" Nagtatakang tanong ko . Si Kuya LID ay kapatid ni Kuya Reind , mas matanda siya sakin ng isang taon pero kuya na tawag ko sa kaniya habang si Kuya Reind naman ay mas matanda ng 4 na taon .

"Ee kasi inaabangan ko lang naman yung pagdating nina Kuya Reind kaya pumunta ko sa kanila tapos habang hinihintay ko siya , tapos bigla na lang akong sinabuyan ng tubig ng bwisit na pinsan mo ." Sabi niya na inis na inis na talaga .

"Ee sino ba kasing hinihintay mo doon ?" Tanong ko sa kaniya .

"Si Mr. Stranger ko !" Sigaw niya kaya naman napakunot ang noo ko . Sino bang Mr. Stranger 'yun ?

"Sino bang Mr. Stranger 'yan ? Kanina mo pa binabanggit 'yan pero di mo naman sinasabi kung sino 'yun ." Sabi ni Trixie saka nagpout . Bakit wala akong alam dun ? Sino ba 'yun ? Tiningnan ko naman si Aina na parang nagtatanong pero kinaway niya pang yung kamay niya na parang sinasabing wala 'yun .

"Wala 'yun . Hehe . Sige na Max . Tulog na ko ha ? Napagod talaga ko . Ang sama ng ugali ng pinsan mo ." Sabi niya saka tumakbo palabas ng kusina . Kahit nabobother ako sa kung ano 'yun , hindi ko na siya sinundan . Bukas ko na lang siguro itatanong . Umakyat na kami ni Trixie at pinaligpit na lang sa maid 'yung mga pinagkainan namin .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon