Chapter 9-First Heartbreak

595 18 4
                                    

Happy 10 chapters .. :) First time ko . Haha . Thanks for supporting from Prologue to Chapt. 1-9 . :)

----

"Please give me the permission to court you Maxene .."

"A-ahm ." Hindi ko alam ang isasagot ko . Humigpit lalo ang hawak sakin ni Kurt , napatingin ako sa kaniya . Yung mata niya , parang sinasabi niya na huwag kong tanggapin .

Pero bakit ? Anong masama kung magpapaligaw ako ? Keith is surely a nice guy .. I can't see something wrong kung magpapaligaw ako sa kaniya .

Aaminin ko biglaan pero matagal na ring gusto manligaw ni Keith sakin . Nung nagconfess siya dati , tinanong niya na ko tungkol dito pero bata pa ko nun kaya hindi ako pumayag .

Napatingin ako kay Keith na naghihintay pa rin ng sagot ko .

"Maxene .. please ." Pabulong na sabi ni Kurt , may kung ano sa boses niya na .. parang nasasaktan siya .

Bakit ? Bakit ayaw niya ? Posible bang nasasaktan siya kasi .. hindi ,  a-ayoko umasa .

"Maxene , don't ."

"But why ?! You've always been like that to me . Tuwing may gustong manligaw sakin , ayaw mo ?" Sabi ko sa kaniya . Lagi siyang ganun , naguguluhan na ko .

"May reason naman ako Max . Hindi sila dapat sayo . Yung mga lumalapit sayo , sasaktan ka lang nila , wala kang mapapala ." Sabi niya .

"Reasons ?! Ah . Oo nga . Sa halos lahat ng lalaking gustong lumapit sakin , lagi kang may comment . Hindi naman ako tanga , nahahalata ko na gumagawa ka lang ng dahilan ." Sabi ko sa kaniya , tumungo naman siya .

"Maxene , gusto ko lang na mapabuti ka ." Pabulong na sabi niya .

"Mapabuti ?! Damn ! Hanggang kailan ka ba magiging duwag ?" Napalingon naman ako kay Keith na parang naiinis na .

"B-bakit Kurt ?! Bakit mo ko pinipigilan .. s-sabihin mo sakin .." Sabi ko saka tumungo , ngayon lang ako maglalakas loob na itanong 'to . Malabo man pero hindi ko na alam kung ano mang dapat kong isipin sa mga ginagawa niya .. "May nararamdaman ka ba para sakin , Kurt ?" Lakas loob na tanong ko sa kaniya , ayokong itaas ang mukha ko . Ayokong makita ang reaksyon niya .

Parang gusto ko tuloy bawiin ang ginawa ko , pero mas mahirap namang sarilinin ko na lang ang mga tanong ko at matakot na lang dahil hindi ako handa sa maaring maging sagot noon .

Pero mas masakit pala kapag nalaman mong umasa ka lang . Naramdaman kong nag-unahan ang pagpatak ng luha ko sa sinabi niya , "Bestfriend lang kita Max , yun lang . Wala na kong ibang nararamdaman para sayo ." Sabi niya at naramdaman ko ang unti unti niyang pagbitaw sa kamay ko , nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha pero nakita ko pa rin ang unti-unti niyang paghakbang papalayo sakin . Ngunit mas nadurog ang puso ko sa susunod na sinabi niya ..

"Kung gusto mo magpaligaw sa kaniya , sige . Hindi na kita pipigilan . Ikaw na ang bahala sa buhay mo . Hindi na ko mangingialam sayo ." Sabi niya at tuluyan ng naglakad palayo . Binitiwan niya na ang kamay ko .. binitiwan niya na ko .. ng ganun na lang .

At umasa ako , ang tanga tanga ko . Yeah . BESTFRIEND . Ano bang ine-expect ko ?

Nanghihina akong naglakad , naramdaman kong humabol sakin si Keith at nagulat ako ng bigla niya kong niyakap . Hindi ko na napigilan .. ANG SAKIT . ANG SAKIT SAKIT ! Napahagulhol na lang ako ng iyak .

"Sorry . Kasalanan ko ." Sabi ni Keith . Umiling iling ako habang nakasubsob sa dibdib niya .

"Wala kang kasalanan Keith . Kasalanan ko kasi ang tanga ko .. ang tanga tanga ko ." Sabi ko .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon