Chapter 20-Sweetest Punishment

454 14 3
                                    

Masyado atang mabilis 'yung takbo ng story kaya bagalan natin. XD de joke. 'Yung tama lang.

Maxene & Kurt at the Picture. Hindi po ata lumabas sa Chapt. 19 . Ito 'yung dapat na pic.

Maxene's POV

Mahal na mahal ko 'tong lalaking 'to. Mahal na mahal kita Kurt Jon Salvador Chavez.

Nagulat ako ng bigla na lang niya ko hinila palabas ng elevator at saka niyakap.

"So kailangan pa pala kitang paiyakin para lang masabi mong mahal mo ko?" Sabi niya. Naningkit naman ang mata ko at kumalas sa yakap niya.

"Plinano mo 'yun?!" Tanong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya.

"Hindi ah! Uhm. Ano...." Sabi niya pa na nag aalangan ata kung itutuloy niya ba 'yung sasabihin niya. "Medyo lang." Pagpapatuloy niya saka alanganing ngumiti.

"So alin doon 'yung plinano mo na medyo lang?" Sabi ko saka pumameywang. Nagkamot naman siya ng batok.

"Uhm. Ikaw naman talaga ang dapat pipiliin ko kaya lang naisip kong piliin si Candy..... Gusto ko kasing makita 'yung reaksyon mo. Di ko naman alam na masasaktan ka pala tapos napaiyak kita. Pero hindi ko pinagsisihan 'yun." Sabi niya saka ngumiti.

"Aba! Bakit? Gusto mo talagang umiiyak ako?!" Singhal ko sa kaniya.

"Hindi! Hindi ganun. Hindi ko pinagsisihan kasi narinig ko naman 'yung gusto kong marinig." Sabi niya saka ngumiti ng makahulugan.

"Ah. Ganun. Dahil diyan may parusa ka sakin." Sabi ko saka naglakad at nilagpasan siya habang siya naiwang nakatulala.

"Parusa? Anong parusa?" Nagtatakang tanong niya. Tumigil ako saglit at lumingon sa kaniya.

"Magiging boyfriend na kita simula ngayon." Sabi ko at muntik na kong matawa sa reaksyon niya. Hindi ata nagloading agad 'yung sinabi ko sa kaniya kasi nakanganga pa rin siya at hindi gumagalaw. Nastroke na ata?

"Boyfriend?" Wala sa sariling sabi niya. Ang sarap batukan ng lalaking 'to.

"Oo. Kaya hindi ka pwedeng lumandi sa iba, simula ngayon akin ka lang." Pagpapatuloy ka pa.

Nakita ko naman kung pa'no pumorma 'yung ngiti sa labi niya. So ngayon lang niya nagets 'yung sinabi ko? Lumapit siya sakin at nagulat ako ng yakapin niya ko mula sa likod. Ipinatong niya 'yung ulo niya sa balikat ko kaya ako naman ang hindi makagalaw ngayon.

"So sinasagot mo na ko? Kung 'yun ang parusa ko, ayos lang. Kahit gaano mo pa ko katagal parusahan..... kahit ilang taon pa yan." Sabi niya pa, naramdaman ko naman 'yung hininga niya sa tainga ko na dahilan para magtindigan ang mga balahibo ko. Kumalas ako sa yakap niya para humarap sa kaniya at isa pa, hindi ko rin ata kayang magsalita ng ganun siya kalapit. Baka mautal lang ako. Nakakahiya. Pagmayabangan niya pa ko at sabihin niya ganun na lang epekto niya sakin.

Tss. Totoo naman >___< .

Humakbang ako para mas mapalapit ako sa kaniya. Tumingkayad ako ng kunti kasi mas matangkad siya sakin at kinintalan siya ng halik sa labi. Naghiyawan naman 'yung mga tao na nandito sa lobby na kanina pa pala nanunuod samin.

Nanlaki na naman ang mga singkit niyang mata. Ang cute niya tuloy tingnan, para tuloy gusto kong ulitin 'yung ginawa ko. Pero wag na, ang daming nanunuod, nakakahiya. Mamaya na lang.

"Anong ilang taon? Habangbuhay 'yun. Habangbuhay kitang parurusahan." Sabi ko sa kaniya saka ako naglakad palabas at iniwan siya doon.

Nasa labas na ko ng condominium nila ng may humablot sa braso ko and the next thing I know, hinahalikan na ko ni Kurt. Napapikit na lang ako. Parang kanina lang, sabi ko nahihiya ako. Well, I changed my mind. I don't care kung mas maraming tao dito at maraming nakakakita sa'min. Ngayon pa ba ko mahihiya? Ang tagal kong naging sarado sa pagpapakita ng feelings ko. Ngayon na napagpasyahan ko nang wag 'yung itago. Wala ng hiya hiya.

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon