Chapter 18-Her Dad

358 17 4
                                    

Just a short update .

Maxene's POV

Oh.My.Gosh.

This is not real .

Mr. Hitareku ?!

How come t-that he's a-alive ...

D-daddy ...

"Y-you're alive ." Sht. This isn't real . Am I dreaming or what ? Sabihin niyong panaginip lang 'to !

"Yes my princess ! God knows how much I missed you and your mom !" Sabi niya at lumapit sakin . I reached out my hand to his face . Nahahawakan ko siya at hindi siya patay . This isn't a dream . Totoong nandito siya sa harap ko .

Ghaad . I missed him too , but I'm too stunned to utter a word . The only thing I can do this time ay ang ... yakapin siya .

Doon na nagsimulang pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan . 5 taon siyang nawala . 5 taon namin siyang hindi nakasama . I remembered how he have used to take care and love me even for a short span of time .

At ngayon .. nandito na ulit siya sa harapan ko . He's alive .

Muling nagbalik sa ala ala ko ang lahat ng nangyari , 12 years ago ....

Iba ang kinalakihan kong ama . Ito ang kumupkop samin ng mama ko nang iniwan kami ng totoo kong ama , nakita ko kung pano niya mahalin ng lubos ang mama ko at pati na rin ako . Itinuring niya kong parang totoo niyang anak , kaya naman sobra akong nalungkot ng mamatay siya . Dahil doon ay sobra akong naapektuhan . Hindi na ako nakikisalamuha sa iba o nakikipag usap man lang at doon ko rin nakilala si Kurt . Hindi siya sumuko kahit na pinagtatabuyan ko siya , sinusungitan at pinahihirapan kaya di nagtagal nasanay na rin akong siya ang lagi kong kasama at naging bestfriend ko siya noon .. kasi ngayon , hindi ko na ata siyang kayang ituring na bestfriend . If you know what I mean . Tsk . This is unbelievable . I look so cheesy .

Back to the story . Si Kurt ang nagbalik ng kulay sa buhay ko . At mas nadagdagan pa ang kasiyahan ko ng nakilala ko ang tunay kong ama which is the man here in front of me . Sa halip na magalit , mas pinili kong maging masaya na lang sa pagbabalik niya . Di kinalaunan , nagkaayos rin ulit sila ni mama at muling nagpakasal . Hindi ko na inalam ang dahilan kung bakit niya kami iniwan noon dahil ang mahalaga ay bumalik siya at pinunan ang mga taon na nawala siya . Pinuno niya kami ng pagmamahal at pag aalaga .

Ngunit 2 taon lang ang nakalipas , namatay siya , akala namin . Muling napuno ng kalungkutan ang buhay ko pero hindi kagaya ng dati , mabilis akong nakabangon.... kasi nandoon na si Kurt para ipakita sakin na dapat kong ipagpatuloy ang buhay kahit anong mangyari .

Ngunit bago mamatay ang daddy ko , may inihabilin siya samin . Ito ay ang Hitareku University—kung saan sila nagkakilala ni mama , na pagmamay-ari niya . Marami pa siyang ari arian pero hindi niya ito binigay samin dahil daw sa isang mabigat na dahilan , iniisip niya ang kaligtasan namin . Hinayaan na namin ito ni mama dahil hindi naman namin hangad ang kayamanan niya . Sapat na samin ang eskwelahang iyon na iniwan niyang ala ala . Isa pang hinabilin niya samin ay huwag ko daw gagamitin ang apelyido niya , huwag ko rin daw ipapaalam kahit kanino na siya ang ama ko at kami ang nagpapatakbo ng paaralan , inihabilin niya rin kami kay Mrs. Cortez—na siyang Mommy ni Nicia , para tulungan kami sa paaralan , sobra akong nalungkot noon dahil hindi ko maipagmamalaki na may ama akong kagaya niya , inisip ko pa nga na ikinakahiya niya ko pero mali , ginawa niya lang 'yun para protektahan kami . Maraming gustong kuhanin ang ari arian niya , noon ay hindi nila pinapakialamanan ang paaralan ngunit natuklasan nilang isang malaking kapakinabangan sa kanila kung makukuha nila ang paaralan na iyon . Iyon pala ang dahilan at buti na lang napaghandaan ni daddy ang panahon na pati ang paaralan ay kukuhanin nila . Hinahanap nila kami at hindi kami magiging ligtas kung matutunton nila kami kaya naman big deal talaga ang pag amin ko sa buong paaralan , dahil ngayon alam na ng lahat . Ayoko na kasing magtago . Haharapin ko sila at ipaglalaban ko ang paaralan na tanging ala ala ng ama ko sakin .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon