Chapter 13-Girl's Thing

457 21 6
                                    

Maxene's POV

"Kunwari ka pa . Gusto mo naman ako makasama ." Napalingon ako kay Kurt . Nakatayo siya sa may pintuan habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa niya at mayabang na nakangiti sakin . Inirapan ko lang siya . Kainis .


"Ako ang matutulog dito sa kama , doon ka sa sofa ." Sabi ko sa kaniya .

"Bisita mo ko kaya dapat ako ang nasa kama ." Sabi niya at nagsmirk sakin .

"Sige , sa sofa na lang ako ." Sabi ko sa kaniya at hinanap ang sunblock ko sa bag . Magswi-swimming kasi kami at bukas , sisimulan na namin ang music video .

"No . I'll rather prefer na tabi tayo . Malamig pag gabi kaya dapat--" Tumigil siya sa pagsasalita ng sinamaan ko siya ng tingin .

"What ?" Painosenteng sabi niya .

"Anong 'what?' ka diyan ." Sabi ko . Ang awkward kasi , kung dati nagagawa namin yun ng walang malisya .. hello ! Iba na ngayon .. Ngayong alam na namin na may nararamdaman kami sa isa't isa ? Parang hindi ko maisip na magtatabi kami . Hindi naman sa iniisip kong may mangyayari or whatever pero you know what I mean , iba na talaga . Gosh , ganto pala pag nagkaroon kayo ng something ng bestfriend mo .

"Ngayon ka pa ba nahiya ? 12 years na tayong magkasama . Nakita na nga kita nung naliligo ka dati--"

 

"Shut up ! Pervert !" Singhal ko sa kaniya . Kailangan pa ba niyang ipaalala yun at ngayon pa talaga na malaki na kami ! Ghaaad , hindi na kami bata . =____=

 

"Hindi na nga e . Pero sige na , tabi na lang tayo . Hindi naman kita pwedeng hayaan diyan ." Sabi niya .

 

"Sineswerte ka naman ata , nanliligaw ka pa lang , makakatabi mo na ko matulog ?" Sabi ko sa kaniya .

"Ganun talaga , gwapo ee ." Sabi niya at nagsmirk . Hindi ko alam kung anong connect noon . Kahit ata anong sabihin ko , naisisingit niya 'yung kayabangan niya . =____=

"Uy , mamaya na nga kayo maglampungan ! Excited na kong magswimming !! Kyaaaah ! Magbo-boy hunting ako ." Sabi ni Aina habang nakasilip sa pinto , kasama niya rin si Trixie .


"Oo nga , umalis ka muna diyan Kurt . Magbibihis kami ." Sabi naman ni Trixie . Dito sila magbibihis ? =____= Bakit di na lang sa kwarto nila ?

"Sige na , lumabas ka na Kurt ." Sabi pa ni Aina .

"Tch . Oo na ." Sabi ni Kurt na walang nagawa at lumabas na ng pinto . Pumasok naman yung dalawa .

"Bakit di na lang kayo sa kwarto niyo magbihis ?" Tanong ko sa kanila .

"Ee gusto ko kasing makita yung isusuot mo ." Sabi sakin ni Aina . Psh . Tumingin naman ako kay Trixie na parang hinihingi ko rin ang reason niya at namula siya . Okaaay . Alam ko na .

"Dapat pinalabas mo na lang si Keith." Sabi ko sa kaniya .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon