Chapter 2- Overnight ?!

886 25 13
                                    

Maxene's POV

Pagkadating namin sa bahay.. dumiretso na ko sa kwarto , si Kurt naman nasa sala pa at hindi pa umuuwi dahil kinakausap pa ni mama .

Nagbihis na agad ako ng pantulog saka pumasok sa banyo para maghilamos . Kinuha ko yung towel ko at nagpunas ng mukha habang palabas ng banyo .

Nang matapos naman ako sa pagpupunas , bumungad sakin ang hindi magandang tanawin . =____=

"What the-- What are you doing here ?!" Sigaw ko at syempre , pag sumigaw ako .. isa lang ang dahilan .

"Hindi ka pa ba uuwi Kurt ?!" Tanong ko sa kaniya , dire-diretso kasi siya sa loob ng kwarto ko at humiga pa sa kama ko na akala mo eh nasa sarili niyang kwarto . =____=

"Sabi ni tita , wag na daw ako umuwi dito na daw ako matulog ." Sabi naman niya .

"Dito ?! Dito sa kwarto ko ?!" Sigaw ko pero sinenyasan lang niya ako na wag daw ako maingay .

"Matutulog na ko , maglatag ka na lang diyan sa baba ." Sabi pa niya saka pumikit at nagkumot pa .. Grrr ..

Bwisit talaga !

Kung sa iba ay nagpapaubaya ang lalaki , hindi ganto ang bwisit na 'to!

Kaya kinuha ko na lang ang unan ko na hinigaan niya ..

"Aray naman ! Kitang natutulog na yung tao ee ." Sabi pa niya .

Tss . Matulog ka !

"Matulog ka na habang buhay !" Sabi ko sa kaniya at tinakpan siya ng unan sa mukha ..

"Ma-hmm-xene-hmm-hin-hmm-di-hmm-ako-hmm-maka-hmm-hinga !!" Sabi niya saka hinabol ang paghinga niya pagkatanggal ko ng unan ..

"Alis diyan !" Pagkasabi ko ay tinulak ko siya kaya nahulog siya sa kama ko . Pagktapos ay humiga na ako .

"Isusumbong kita kay tita !" Sabi niya sakin na parang bata habang hawak yung likod niya . Buti nga sa kaniya . +____+

"Edi magsumbong ka !" Sabi ko sa kaniya pero tumayo lang siya at bumalik sa higaan at tinabihan ako .

"Kurt ! Umalis ka nga diyan ! Hindi ako sanay ng may katabi !" Malaki naman ang kama ko pero ayoko talagang katabi 'tong lalaking 'to ! The last time kasi na pinatulog siya dito , dinaganan niya ko !

"Doon ka na lang sa guest room !" Sabi ko sa kaniya . May dalawa pang guest room dito sa bahay pero ewan ko ba kung bakit dito lagi pinapatulog ni mama si Kurt !

"Ayaw . Kung gusto mo , ikaw na lang doon ." Sabi niya sakin .. Ghaaad . Si Kurt lang ang naglalakas loob na paalisin ako sa sarili kong kwarto ..

"Ayoko nga . Kwarto ko 'to !" Sabi ko naman .

"Kung ayaw mo , edi tabi tayo !"

Gosh ! Nakakainis ka talaga Kurt !

Humiga na lang ako , walang silbi kung makikipagtalo pa ko sa lalaking 'to .

Tumalikod na lang ako sa kaniya at pumikit .

Kung sa iba , hindi normal 'to . Hindi talaga ! Abnormal kaya yung katabi ko ! Tss .. pero walang malisya samin 'to , eh simula pagkabata ata , lagi kaming magkasama .. kulang na lang tumira na kami sa isang bahay !

Magbestfriend kasi ang mga parents namin kaya naman lagi kaming nagkakasama , pero noong bata pa kami ayokong kasama 'tong lalaking 'to . Nayayabangan ako sa kaniya tapos kalalaking tao , ang ingay pa . =____= Pero siya lang ang laging lumalapit sakin kahit lagi akong parang galit sa mundo dati , kaya nasanay na rin ako sa kaniya hanggang siya na lang ang lagi kong kasama .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon