"Nakakainis ! Nakakainis talaga !" Sabi ko habang padabog akong naglalakad palabas ng bahay nina Kurt . Teka , bakit ba ko naiinis ?!
Nakapagpalit naman na ako ng damit , 'yun yung naiwan kong damit ng pinatulog ako ng mommy ni Kurt dito . Hindi naman ako amoy suka dahil sa balikat lang 'yon at nakapaglinis na ko .
Ah basta ! Naiinis ako ! Hindi naman 'to dahil sa naudlot naming--- 0____0 hindi , hindi iyon ang rason . Ano naman kung hindi natuloy ?! Hindi ko naman gustong matuloy yun . Tama , hindi talaga . Ee bakit ba ko naiinis ?! Urgh . Ewan , ewan .
Nababaliw na ata ako , pati sarili ko kinakausap ko na . Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis at umupo sa isang upuan sa labas ng bahay nina Kurt .
"Ma'am ayos lang po ba kayo ?" Sabi ng maid nina Kurt na napadaan sa may garden ng bahay nila .
Tinanguan ko lang siya , siguro akala niya nababaliw na ko . >____>
"Nababaliw na ko , baliw na baliw sayo ."
"Waaaaaah . Kurt ! You're giving me a headache !" Sigaw ko at muling nagsisisipa sa lupa .
"Ma'am , ayos lang po ba talaga kayo ?" Sabi ulit ng maid na naudlot ata sa pagpasok sa bahay dahil sa pagsigaw ko .
Tumango na lang ako sa kaniya at ngumiti saka ako tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng gate nila Kurt .
Nakatulala pa rin ako sa kawalan habang naglalakad , iniisip ko ang sinabi ni Kurt kanina kaya minsan bigla na lang ako nagpapapadyak at napapasabunot sa buhok ko . Yeah , I know . Para na kong baliw sa ginagawa ko . Kahit ako , hindi ko maintindihan ang sarili ko .
Buti naman at nakauwi ako sa bahay ng safe , pagdating ko ay sinalubong na naman ako ng sandamakmak na tanong ni mama pero masyadong blangko ang utak ko para intindihin iyon kaya tinanguan ko na lang siya ng tinanguan kahit hindi ko naiintindihan ang sinabi niya . Pagkatapos ay hinayaan niya na kong umakyat sa kwarto dahil siguro , nababaliw na rin siya sa kakakausap sakin .
*
Naglakad ako papasok sa school , hindi ko kasi alam kung makakapagdrive ba ko ng maayos dahil wala akong tulog .
Nakita kong dumating ang kotse ni Kurt sa may parking lot ng school at hindi yata nabawasan ang fans niya sa nangyari kahapon dahil marami pa ring babae ang nakaabang sa pagdating niya , isama na rin natin ang mga lalaki na babae na rin ngayon .
Binuksan niya ang pinto at lumabas na siya sa kotse niya , a-ang gwapo niya . Bakit ngayon ko lang narealize 'yon ?
Binatukan ko na lang ang sarili ko sa naisip ko at wag niyo ng tanungin kung paano ko nagawang batukan ang sarili ko , kasi kahit ako , hindi ko alam . Ganto ba ang epekto ng walang tulog ? T.T Kailan ko pa sinabihan si Kurt ng gwapo ?
Papalapit siya sa pwesto ko kaya naman agad akong napakuha ng salamin sa bag . Teka , kelan pa ko natutong tumingin sa salamin at magpaganda .
Pero hindi muna yun ang iisipin ko .
Eyebags ! Ang laki ng eyebags ko ! >____>
Waaaaaah .
Papalapit na siya ng papalapit .
"Hi Max . Nakakainis , ang sakit ng ulo ko ." Sabi niya sakin saka ngumiti at inakbayan ako .
Pagkatapos ay naglakad na kami papasok ng school . Binati ako ng mga nakaabang sa may school at nginitian ko na lang sila . Masakit rin ang ulo ko , kakaisip ko sayo . Gusto ko sanang sabihin 'yon kay Kurt pero syempre anong sasabihin ko kapag tinanong niya kung bakit . Sasabihin ko bang muntik na kaming magki-- No ! A big NO !
Maaga pa naman kaya tumambay muna kami ni Kurt sa isa sa upuan sa may garden .
Naalala ko tuloy yung sinabi niya kagabi , ugh . Totoo kaya 'yon ? May parte ng utak ko na umaasang sana totoo 'yon pero mayroon ring sumisigaw sakin ng hindi 'yon totoo at lasing lang siya kaya niya nasabi yun .
Magbestfriend kami , oo nga . Kaya imposible .
"Huy !"
"AyKabayongLumilipad !" Sinamaan ko ng tingin si Kurt , leche ! Makapanggulat naman . =____=
"Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman nakikinig ." Sabi niya sakin saka nagpout .
"H-huh ? Pasensya ka na . Ano ba 'yung sinasabi mo ?" Tanong ko sa kaniya pero sumimangot lang siya .
"Sabi ko ang ganda nung bagong transferee . Liligawan ko siya ." Sabi niya saka tumayo at naglakad papalayo .
"Anong problema 'nun ?" Tanong ko .
"Ikaw ang problema 'nun ." Napatingin naman ako kay Aina na kadadating lang at may malapad na ngiti sa labi niya .
"Ako ?" Tanong ko sa kaniya saka tinuro ang sarili ko .
"Oo ." Sagot niya at binigyan ako ng makahulugan na ngiti .
Ano bang ginawa ko ?
Mukhang nabasa niya naman ang iniisip ko kaya kinaway niya lang ang kamay niya na parang sinasabing wala lang iyon kaya naman tinaasan ko siya ng kilay pero tumayo na siya at hinigit ako papunta sa kung saan .
"Si Kurt na lang magsasabi sayo nun ." Sabi niya kaya naman tiningnan ko lang siya na parang nagtataka .
Pero hindi niya ko pinansin at ngumiti lang siya saka tumingin na lang ng diretso sa linalakaran namin .
Weird …
Naglakad kami papunta sa building kung saan nandun yung classroom namin .
"Bakit sa exit tayo dadaan ?" Tanong ko sa kaniya .
"Ee marami kayang dumadaan sa entrance , ikaw naman may-ari nito kaya walang sasaway satin ." Nakangiting sabi nito .
"Bahala ka ." Sagot ko na lang saka nagpatuloy na rin sa pag-akyat .
Napatigil kami ng may narinig kaming umuungol . Eew . May gumagawa ba ng kababalaghan dito sa exit ?
Dahil may mga box na nakatambak dito , sumilip kami sa likod nun at may nakita kaming dalawang students na nagme-make out . Nakatalikod samin yung lalaki at yung babae nakasandal sa pader pero mukhang hindi nila kami napansin kaya tuloy pa rin sila .
Tss . Naglakad na ako palayo doon kasi wala naman akong pakialam kung ano mang gawin nila . Anong mapapala ko kung papakialaman ko buhay nila ? Yeah , I know I own this school but I don't want to mess up with their lives . Well , kung guidance counselor , principal o teacher man ang makahuli , bahala na sila .
"Kurt .. hmm ." Automatic na parang napatigil ako ng marinig ko yun .
Mukhang nagulat din si Aina sa narinig niya .
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis .. sabi ko hindi ako mangingialam pero parang gusto kong hilahin yung buhok ng babae hanggang makalbo siya . Ugh . Hindi ko alam kung bakit ako naiinis ! Ilang beses ko ng nakita at nahuli si Kurt sa gantong sitwasyon at normal na dapat sakin 'to . Bakit ganto ?! Dapat iirap lang ako at maglalakad na palayo na parang normal lang na makita ko siya na may kasama na kung sino sinong babae pero parang hindi nagfunction ang buong body system ko at hindi ako makagalaw ngayon .
Dahil na naman ba 'to sa kagabi ? Tss . Umaasa ba ko na totoo yun ?! Nakakainis ! Bakit ako umaasa ?! Hindi naman ako tanga para hindi maisip na lasing lang si Kurt noon at wala naman talaga siyang nararamdaman sakin .. for goodness' sake ! Bakit ako nagkakaganto ?!
Kurt is my bestfriend , hindi ako dapat makaramdam ng ganto para sa kaniya at ganun din siya . We've been together for 12 years as friends kaya ano na namang bang nangyayari sakin ?!
"Bes , ayos ka lang ba ?" Nagising naman ako sa pag-iisip ng tinanong ako ni Aina .
"O-oo naman ." Sabi ko sa kaniya at tumango .
"Halika na . Hayaan mo na yang bestfriend mo diyan . Di ka pa ba nasanay ? Araw araw naman ata may kalampungan yan ." Pabirong sabi niya pero may kung anong kumirot sa puso ko sa sinabi niya .
---
A/N- Hi sa mga nagbabasa . :)
Vote.Comment.

BINABASA MO ANG
Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)
Novela JuvenilI'll publish a revised edition of this story here in wattpad. 'Yun na lang ang basahin niyo. Malaki yung kaibahan niya dito and tatanggalin ko na din itong version na 'to soon. Just got to my profile and makikita niyo 'yun dun. Story by: MissyDoll C...