Nakaupo ako ngayon sa buhangin dito sa beach . Katabi ko si Kurt na busy sa pagkain . Hindi pa ko nagbabasa at ganoon din siya .
"Mabulunan ka sana ." Bulong ko . Kanina pa kasi ako humihingi sa kaniya at ayaw niya ko bigyan . =___=
"Ano yun ?" Sabi niya .
"Wala . Hindi ko alam na nakakabingi pala ang pagkain ng barbecue ." Sabi ko .
"Ha-ha-ha . Kumuha ka na lang kasi doon ." Sabi niya sakin .
"Psh . Ang gentleman mo talaga !" Singhal ko sa kaniya . Tatayo na sana ako ng tinawag ako ni Aina .
"Anong problema mo ?" Sabi ko sa kaniya . Nakabusangot kasi siya na akala mo , namatayan .
"Bakit walang mga boys ?!!" Sabi niya at napanganga ako sa sinabi niya .
"Pinagbawalan kasi ni Kuya Reind na gamitin ng iba yung beach na 'to , magbabakasyon kasi sila ng barkada niya dito ." Sabi ko sa kaniya . Family property kasi namin 'to . Nalukot naman lalo yung mukha niya .
"Ee pano 'yan ?!" Sabi niya at pinagpapadyak ang paa niya .
"Malay mo may gwapo sa mga kasama ni Kuya Reind ." Sabi ko sa kaniya para tumahimik na siya . Kuminang naman ang mata niya na parang sobrang nae-excite .
Basta talaga lalaki .. ang bilis bilis niya . Tumayo na ko dahil akala ko ay babalik na ulit siya sa pagswi-swimming ng bigla siyang nagtanong .
"Kailan dating nila ?" Tanong niya sakin .
"Hmm . Baka mamaya ." Tumingin ako sa orasan ko . "Parating na yun , for sure ." Sabi ko pa .
"Kyaaaaaah . Sa resthouse niyo rin ba siya tutuloy ?" Tanong niya .
"Hindi e . Doon sila sa katabing resthouse ." Sabi ko at tinuro ang isa pang bahay na medyo mas malaki kaysa samin .
"Sayang naman ." Sabi niya saka nagpout . "Pero okay na rin , malapit lang ! Kyaaaaah ." Sabi niya saka tumakbo pabalik sa dagat .
"Ano nangyari doon ?" Napatingin ako kay Kurt na nakaupo pa pala doon .
"Ewan ko ." Sabi ko na lang sa kaniya tapos pumunta na sa isang maliit na cottage dito kung nasaan yung mga pagkain .
Nakaita ko si Keith na nakaupo doon pero hindi niya napansin na nandoon ako . May tinitingnan or should I say na may tinititigan siya . Tiningnan ko naman kung ano 'yun , doon siya nakatingin sa dagat . Nandoon si Trixie na nakikipaglaro ng beach ball kay Aina . Muntik pa itong matumba sa pagkuha sa bola na binato ni Aina .
Napatingin ako kay Keith na umiiling iling habang nakangiti .
"Baka malusaw 'yan . Aba ." Sabi ko , napatingin naman siya sakin at parang nagulat .
"Kanina ka pa diyan ?" Tanong niya , kumuha muna ako ng isang barbecue bago magsalita .
"Oo . Bakit hindi mo lapitan ?" Sabi ko sa kaniya saka kumagat sa barbecue na kinuha ko .
"H-ha ? Sinong lalapitan ko ?" Tanong niya .
"Ayun oh ." Sabi ko at tinuro si Trixie na tinatalsikan si Aina ng tubig .
"B-bakit ko naman siya lalapitan ?" Sabi niya sakin . Nginitian ko lang siya .
"Sus . Huli na kita , ayaw mo pa umamin ?" Sabi ko sa kaniya .
BINABASA MO ANG
Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)
Genç KurguI'll publish a revised edition of this story here in wattpad. 'Yun na lang ang basahin niyo. Malaki yung kaibahan niya dito and tatanggalin ko na din itong version na 'to soon. Just got to my profile and makikita niyo 'yun dun. Story by: MissyDoll C...