Chapter 19-Candy Sweet Trouble

374 12 5
                                    

Linulubos lubos ko na ang update dahil baka hindi na ko masyado magkapag update sa May . :3

Maxene at the picture.. papunta na siya sa condo ni Kurt. Hihihi.(Tawa ng magandang bruha. Chos. :D) Katol pa more.


Dedicated kay magandang PinkyJ_02.


Anyway , here you go ...

---

Maxene's POV

I heaved out a heavy sigh as I look outside the window of our classroom . Ang boring naman . Well obviously , nakabalik na kami galing sa bakasyon . Lunes ngayon at balik na naman sa pagpasok.

Pagkatapos kasi naming magkita ni daddy, umalis na rin siya agad at pumunta na sa Singapore kung nasan si mama para sa business trip- business na pinamana ng mga magulang ni mama . Hay, love nga naman oh. Pero sabagay, ilang taon nilang hindi nakasama ang isa't isa. I'm sure he's really excited and I wonder kung ano ang magiging reaksyon ni mama .

Thursday ng umuwi kami galing bakasyon, namasyal lang kami sa mga malalapit na pwedeng pasyalan like other nearby islands and such. Ang plano talaga namin ay Saturday pa kami uuwi, kaya nga lang biglaang nagyaya si Kurt na umuwi dahil may importante daw siyang gagawin-which I wonder kung ano yun dahil hindi pa rin siya nagpapakita hanggang ngayon- kaya naman napagpasyahan na naming sumabay na rin .

Paulit ulit ko na ngang kinukulit si Keith pero hindi niya daw alam kung ano nangyari kay Kurt. Doon daw kasi ito nag-istay ngayon sa condo niya.

Speaking of, Keith and Trixie are now dating. I don't know exactly the details pero ayun, halatang gusto naman talaga nila ang isa't isa. I'm happy for the two of them.

At kung tatanungin niyo ang progress ng panliligaw ni Kurt, pinadadalhan niya ko sa bahay ng flowers,chocolates and stuffs simula ng umuwi kami pero ni anino niya di ko pa nakikita kaya nga nakakainis talaga. Ano namang gagawin ko sa mga pinadadala niya? Sasagutin ko ba 'yung mga flowers niya? Gusto niya bang i-date ko yung mga chocolates at kwentuhan ko yung teddy bears? Nanliligaw pa nga lang siya, fail na. Sa una lang ata siya magaling. Tsk.

Anong tingin niya sakin? Kagaya ng mga babae niya na padalhan mo lang ng bulaklak, handa ng maghubad ng panty para sa kaniya? Nagkakamali ata siya.

"Max." Napatingin ako sa gilid ko ng tinawag ako ni Keith. Katabi niya na si Trixie kasi nagpalit kaming dalawa ng upuan kaya nga back to 'hello bintana' na naman ako. May isang bakanteng upuan sa pagitan namin kung saan nakaupo si Kurt.

"Bakit? Kung iinggitin niyo lang ako. Please, wala akong time." Sabi ko saka umirap. Kahapon pa kasi nila ko inaasar at dumaan pa talaga sila sa bahay para lang magpakasweet.

"Hindi. May sasabihin lang ak-" Pagtutol pa ni Keith pero pinutol ko lang ang sasabihan niya.

"Kung tungkol lang 'yan sa pagpunta niyo sa amusement park, rinding rindi na ko."

"Hindi naman tungkol-"

"Oo na, bumili kayo ng couple shirt blah.blah.blah-"

"Makinig ka naman-"

"Blah.blah-"

"Si Kurt .."

"Blah.blah.blah- Wait. Ano ?! Si Kurt ? Ano nangyari kay Kurt ?!" Napatayo ako. May balita na daw sila kay Kurt?

Umiling iling 'yung dalawa at ngumisi kaya naman naningkit ang mata ko.

"Pinagtritripan niyo ba 'ko ?" Tanong ko.

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon