Chapter 7 na . Maxene at the picture .. :)
Kurt's POV
"San ka pupunta ?" Tanong ko kay Max . Nandito kami sa parking lot at bubuksan na sana niya yung sasakyan niya pero pinigilan ko siya .
"Uuwi ?" Inosente niyang sabi . Naku .. kung hindi ko lang talaga mahal 'tong babaeng 'to ..
"Pagkatapos mo ko pagurin . Uuwi ka na lang ng ganun ganun lang ?" Sabi ko sa kaniya . Totoo naman , inutusan niya lang ako kanina sa office niya . Ipatawag si ano .. pumunta doon .. gawin yung ano .. ginagawa niya lang utusan 'tong kagwapuhan ko ? -___- Dapat talaga pumasok na lang ako .
"Oo ?" Sabi niya kaya naman napasimangot ako .
"Hindi ako papayag ." Sabi ko saka tumakbo para pumunta sa kabilang side ng kotse niya at umupo sa back seat . Oo , sa backseat . ^____^ Siguradong maaasar na naman siya at hindi ako nagkamali dahil sinimangutan niya lang ako .
"Anong tingin mo sakin ? Driver ?" Sabi niya sakin at sinamaan ako ng tingin .
"Pinagod mo ko kanina . Gumaganti lang ." Sabi ko at binelatan siya . Inirapan niya lang ako . Ayan na naman yung pamatay niyang irap . Haha .
"Whatever . Sa likod naman talaga dapat pinapaupo ang mga alagang hayop ." Sabi niya .
"Alagang hayop ? Ako ?" Sabi ko sa kaniya ng hindi makapaniwala .
"Oo . Unless , may kasama ka pang iba diyan ." Sabi niya at umirap na naman .
Hindi ako makapaniwala . Ako ? Alagang hayop ? Sa gwapo kong 'to ? Sa dami ng babaeng naghahabol sakin ? Alagang hayop lang ang tingin niya sakin ?
"Mukha ka talagang tanga . Hindi pa ba nagloloading yung sinabi ko sayo ? San mo ba balak pumunta ?" Ngayon naman mukha akong tanga ? Lahat na ata ng babae nabibighani sakin tapos siya ? Nilalait lang ako ?
"Psh . Sa mall na nga lang tayo ." Sabi niya saka nagdrive habang ako nasa back seat pa rin . Hindi talaga ako nananalo sa babaeng 'to ... pati nga puso ko , napaamo niya .
Fvck . Ang corny ko !
Tumahimik na lang ako pagkatapos noon at tiningnan si Maxene sa salamin sa unahan habang nagda-drive . Nakangisi lang siya at sigurado akong pinagtatawanan niya ko sa isip isip niya dahil natalo na naman niya ko sa pang-aasar . =____=
Bakit ba pagdating sa kaniya , tumitiklop ako ?
Ano bang nagustuhan ko sa babaeng 'to ? =____=
"Nandito na tayo ." Sabi niya at oo nga , nakahinto na pala kami .
"O ano ? Wala ka bang balak bumaba diyan o gusto mo na lagyan pa kita ng tali sa leeg ? =____=" sabi pa niya pero sa halip na magpakita ng inis , nginitian ko siya .
"Maxene naman , hindi mo na ko kailangan itali para lang hindi na ko umalis sa tabi mo . Pwede mo namang sabihin ee ." Sabi ko at ngumiti sa kaniya . Haha .
"Shut up !" Sabi niya at inirapan ako .
"Yiee---" Pang-aasar ko pa sana sa kaniya pero pinutol niya ang pagsasalita ko .
"Kapag hindi ka tumahimik , itatali ko yung dila mo sa puno ." Sabi niya at tiningnan ako ng masama . Haha . Asar-talo talaga . :D
"Ang brutal mo naman ." Sabi ko sa kaniya ng makapasok na kami sa mall .
"Whatever . Sayo lang naman ako ganto ." Sabi niya pero binigyan ko lang siya ng mapang-asar na ngiti .
"Wag kang assuming , sayo lang ako brutal kasi ang sarap mong patayin ." Sabi niya pa .

BINABASA MO ANG
Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)
Teen FictionI'll publish a revised edition of this story here in wattpad. 'Yun na lang ang basahin niyo. Malaki yung kaibahan niya dito and tatanggalin ko na din itong version na 'to soon. Just got to my profile and makikita niyo 'yun dun. Story by: MissyDoll C...