Chapter 4-Unexpected 'Confession'?

760 21 10
                                    

Natapos na ang klase at nakakainis talaga dahil pati mga teacher , may special treatment sakin at now , makikita mo na ang mga taong plastic . Gusto ka lang nila kasi sikat ka o kaya naman may makukuha sila sayo .

Naglakad na kami ni Kurt papuntang parking at dahil nga wala akong dalang kotse , kailangan kong makisakay sa kaniya .

Napairap na lang ako ng napatingin ako kay Kurt na nasa driver's seat .

"Tigilan mo nga yang kangingiti mo ." Sabi ko sa kaniya .

"Bakit ? Pero sabagay , dapat nga akong malungkot . Hindi pala ako dapat nakangiti ." Sabi naman niya .

"At bakit naman ?" Tanong ko sa kaniya .

"E wala ng lalapit saking babae kasi matatakot sayo . Pano ba 'yan ?" Sabi niya saka nagpout . Binatukan ko lang siya . Yun pa ang unang naisip ? Playboy . Tss .

"Edi sa labas ka na lang ng school humanap ng babae ." Sabi ko sa kaniya .

"Oo nga nu ." Sabi niya saka nagliwanag muli ang mukha niya . "Pero ang boring naman , after school hours pa ." Sabi niya kaya naman napa-facepalm na lang ako . =____=

"Edi sasabihin ko sa lahat , break na tayo ." Sabi ko .

"Maraming lalaking lalapit sayo pag nalamang break na tayo lalo na ngayo't kilala ka na sa school." Sabi niya , ang hirap kausap nito . -____-

"Bahala ka nga diyan . Iuwi mo na ko samin . Mababaliw akong kausap ka ." Sabi ko kaya pinaandar na niya yung kotse .

Pagdating namin ay pinaalis ko na agad si Kurt at hindi na pinapasok sa bahay dahil baka mapagtripan na naman ni mama na patulugin siya dun .

Pagkapasok ko ay nakita ko si mama na seryoso , agad siyang lumapit sakin ng nakita niya ako .

"Bakit ma ? Anong problema ?" Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat .

"Bakit mo ginawa yun ? Alam mo namang manganganib ka pag nalaman ng iba ." Ang tinutukoy ba niya ay yung nalaman ng lahat na samin yung school ?

"Ma , ayoko ng matakot sa kanila . Malalaman at malalaman rin nila , kaya dapat ngayon pa lang harapin ko na ." Pagpapaliwanag ko , napangiti naman si mama .

"Ang laki na talaga ng baby ko . I'm proud of you , nagmatured ka na--blah.blah.blah.blah ." Hindi ko na inintindi ang sinabi niya dahil tungkol na naman yan sa mga unforgettable moments niya bilang nanay , at sa ilang beses ko ng narinig yan , kabisado ko na ata .

Umakyat na lang ako sa kwarto ko at humiga .

Pero maya maya ay nabored ako kaya naman nagbihis ako at nagdire diretso palabas ng pinto , narinig kong tinawag pa ako ni mama bago lumabas pero hindi ko na ito pinansin .

Kinuha ko ang motor ko at sumakay doon . Minsan ko lang gamitin 'to , kapag malapit lang ang pupuntahan ko .

Dumiretso ako sa bahay nina Aina , nagdoorbell ako at pinapasok naman ako ng maid nila .

"Nasa kwarto po niya si ma'am Aina ." Tumango na lang ako at nginitian siya saka dumiretso sa kwarto ni Aina .

"Oh ! Bes ! Di ka nagsabi na pupunta ka . Aalis ako ee !" Sabi niya kaya naman napasimagot na lang ako .

"Alam ko na ! Sumama ka na lang sakin !" Sabi niya na parang sobrang excited .

"Saan ka ba pupunta ?" Tanong ko sa kaniya .

"Sa bar !" Masayang masayang sabi niya . Nalukot naman ang mukha ko sa narinig . Bar ? No way . Gusto ko lang maglibang pero wala ako sa mood magpunta sa bar . Nabasa niya naman ata ang iniisip ko at kinulit pa ko .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon