Chapter 12-Court Me

535 17 8
                                    

"Uhm . Max , dun kami ni Aina makikisabay kay Keith ha !" Energetic na sabi ni Trixie . Sus . If I know , excited lang yan makasama si Keith .

"Iiwan niyo ko dito ?" Tanong ko sa kanila . "Akala ko ba sabay sabay tayo dito sa sasakyan ni Kurt ?" Sabi ko pa at humagikhik silang dalawa . May binabalak na naman siguro yung mga 'to .

"Hindi kasi kami kasya diyan ee ." Sabi ni Trixie .

"Ha ?" Napatingin ako sa sasakyan ni Kurt . Hindi kasya ? Malaki naman yun at kasya ang 10 tao .

"Sige bes ! Doon na kami ha ." Sabi ni Aina saka sila tumakbo papunta sa sasakyan ni Keith . Kinausap nila si Keith na mukhang naguluhan , wala naman sa plano na magda-drive siya pero wala siyang nagawa ng sumakay na si Aina at Trixie sa sasakyan niya .

"Halika na ?" Nagulat ako ng lumabas galing sa bahay si Kurt na nakangiti .

So alam niya 'to ? Magkakasabwat nga sila . =____=

"May choice pa ba ko ?" Sabi ko sa kaniya . Tinawanan niya lang ako at pinagbuksan ng pinto kaya sumakay na rin ako .

Pagkasakay ko , pumasok na rin siya pero hindi pa rin siya nagda-drive at parang hindi mapakaling nakatingin sakin .

"What ?" Sabi ko sa kaniya kasi nakatingin pa rin siya sakin . Napasabunot naman siya sa buhok niya na parang naiinis .

"Muka kang tanga ." Sabi ko sa kaniya saka nilagay ang seatbelt ko at sumandal sa upuan . "Ayaw mo pa bang magdrive ? 6 am na oh ." Sabi ko sa kaniya at tumingin sa relo ko . Nakaalis na sina Aina at nandito pa rin kami .

"T-tumingin ka sa likod ." Sabi niya sakin . Bakit ba siya nauutal ?


"Ano bang-- 0.0" Sabi ko pero nagulat ako ng makita ko kung ano yun .

"WTF ! Bakit may flowershop dito ?!" Sabi ko sa kaniya pero napa-facepalm lang siya .

"Sayo yan ." Sabi niya .

"Wala naman akong sinabi na magtatayo ako ng flowershop ah ." Sabi niya , inikot niya lang ang mga mata niya . Aba , kelan pa siya natuto niyan ? Hindi naman mukang gay pero hindi ako sanay , like duh . Ako lang dapat ang mang irap sa kaniya .

"Para saan ba yan ?" Sabi ko sa kaniya .

"Basahin mo na lang kaya ." Sabi niya sakin .

Basahin ? Tumingin ulit ako sa likod namin na punong puno ng bulaklak . Ngayon ko lang napansin yung petals na nakakalat sa upuan sa likod pero hindi lang pala siya basta nakakalat kasi may mga nakaform na letters . Binasa ko yun .

"Will-You-Be-My-Girl?" Naningkit naman yung mga mata ko pagkabasa ko nun .

"Aray ! A-ayaw mo ba ?" Sabi niya . Binatukan ko kasi siya .

"Anong 'Will you be my girl?' . Sapakin kaya kita diyan ." Sabi ko sa kaniya , nakita ko naman nalukot ang mukha niya .

"Anong tingin mo sakin ? Easy to get ?! Manligaw ka muna !" Sabi ko sa kaniya saka siya inirapan . Nagliwanag naman ang mukha niya at napangiti .

"Yun lang pala e . Edi liligawan kita , kahit gaano pa katagal , sabihin mo lang ." Sabi niya at nagsimula ng paandarin yung sasakyan .

Hindi ko alam pero napangiti ako . Inaamin ko , kinilig ako doon . Nakita ko naman yung effort niya .

"Matulog ka muna , alam ko namang inaantok ka pa ." Sabi niya sakin . Oo nga , ang daming nangyari . Simula sa pagbulabog niya sakin kaninang madaling araw , pag aaway nila ni Keith sa kung sinong sasabay sakin sa pagkain , pagsabi niya na gusto niyang maging boyfriend ko , confession ni Trixie at ito , yung surprise niya na flowershop .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon