Chapter 23-The Bitter Driver

373 9 4
                                    

Maxene's POV

"Sorry po Tito, Tita." Nahihiyang sabi ko sa kanila.

"Okay lang 'yun, hija. It's her fault. Hindi ka niya dapat trinato ng ganun." Sabi ni Tito Rick. Nahihiyang tumango na lang ako.

"Hayaan na natin 'yun. Ang dapat nating pag usapan ay ang kasal niyo!" Masayang sabi ni Tita Nin at pumalakpak pa.

"P-po? Kasal?" Tama ba ang rinig ko. Kasal daw? Sino? Kami?

"Ma naman!" Sabi ni Kurt.

"Bakit? Pasasaan pa ba't doon rin ang tuloy niyo!" Sabi ni Tita Nin. Nasapo naman ni Kurt ang noo niya.

"Ah.. eh.. kasi po, wala pa sa isip namin 'yan." Nahihiyang sabi ko.

"We're only 16 years old for Pete's sake!" Pagtutol ni Kurt. Oo nga, ni wala pa kami sa legal age at kahapon lang naging kami, kasal na agad? Pero hindi ba't 'yun rin ang gusto mo? Sabi ng isang bahagi ng utak ko. Tsk. Bata pa kami. Soon. Waaaah. Ano bang iniisip ko?

"Bakit? Magagawan 'yan ng paraan!" Sabat ni Tito Rick. Seryoso ba sila? -___- Kasal? Marriage! For real! Hindi bahay-bahayan!

"Ma, bata pa kami ni Maxene. Hintayin niyo munang mag-18 kami. Saka namin kayo mapagbibigyan sa bagay na 'yan." Sabi ni Kurt saka kumindat sakin. Lupa! Kainin mo na ko. Kinikilig ako. Pag 18 na daw kami! Kyaaaaah. Parang gusto kong tumili.

"Ganun ba? O sige. Basta pag 18 na kayo, ha?" Sabi ni Tita Nin, bakas sa boses niya ang excitement.

"Opo ma." Sabi ni Kurt saka ngumiti. Ganun? Hindi man lang hiningi ang permiso ko? Basta oo na lang? Pero gusto mo rin naman diba? Shut up. Bakit ang landi ng utak ko?!

"Hmm. Maxene, gusto ko 'wag mo na kaming tatawaging tito at tita." Sabi ni Tito Rick.

"Po?" Tanong ko.

"Simula ngayon Mommy na ang itatawag mo sakin at Daddy naman ang itatawag mo sa Tito Rick mo." Sabi ni Tita-- este Mommy. Napangiti naman si Kurt. Ang swerte ko at tinuturing na rin nila akong anak.

"Opo m-mommy." Nahihiyang sabi ko.

"Good. Alam mo ba ang saya namin nang malaman namin na kayo na?! Ang tagal naming hinintay 'yun. Ang bagal bagal kasi nitong si Kurt ee." Sabi ni Daddy. Feel na feel ko ee. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo nga po ee, ang torpe!" Dagdag ko pa. Nakita ko namang nangunot ang noo ni Kurt.

"Hoy, anong torpe?!" Singhal niya.

"Anong sinisigaw mo diyan? Totoo naman." Sabi ni Mommy Nin. Nagtawanan naman kami. Hindi na rin ako na-awkwardan sa situation namin. Siguro nag-aadjust lang ako sa fact na hindi na lang basta mga parents ng bestfriend ko ang nasa harap ko kung hindi, parents na ng boyfriend ko. At sana, magiging parents ko na rin in the near future. Idedeny ko pa ba? Wala na kong iba pang gustong makasamang lalaki kung hindi ang katabi ko ngayon. Napangiti naman ako, alam kong ganun din siya sakin.

"So kailan ang balik niyo sa Pilipinas?" Tanong ni Daddy Rick. Hehe.

"Sa makalawa po." Sagot ko. Tumango tango naman sila.

"Bakit hindi niyo pa gawing 1 week ang stay niyo dito?"Sabi ni Mommy Nin.

"May pasok pa po kasi ee. Marami pa pong kailangan asikasuhin." Sagot ko naman. Next month ay December na, malapit nang magfield trip. Ginaganap kasi 'yun every last month of the year. Kaya maraming kailangang asikasuhin.

"Ikaw ba ang nag aasikaso ng school niyo?" Tanong naman ni Daddy Rick.

"Opo ee, wala pa kasi si Mama. Nasa Singapore pa siya." Sagot ko naman.

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon