Chapter 21-Open Folds

400 11 3
                                    

Isipin niyo kung bakit ganiyan ang title ng chapter na 'to. XD

Kurt at the picture. Maiinggit daw kayo. (Pinapasabi ni Maxene) :D

Candy's POV

Kinuyom ko ang kamay ko habang pinapanuod ko sila. Kahit napupuno ng luha ang mga mata ko, malinaw ko pa ring nakikita ang paghalik ni Kurt kay Maxene. Ang saya saya nilang tingnan. Habang ako, parang dinudurog ang puso ko. Buong buhay ko, wala akong ginawa kung hindi mahalin siya! Pero laging ang babaeng 'yun ang napapansin niya.

Wala na siyang ibang bukang bibig kung hindi Maxene!

Ginamit niya pa ko para lang mapasagot niya ang Maxene na 'yun. Ano bang meron sa babaeng 'yun at sobra kung mahalin niya 'yun?! Samantalang ako, he always treats me like a younger sister pero hindi 'yun ang gusto ko. Ang gusto ko mahalin niya ko. 'Yun lang naman ee. Mahirap ba 'yun? Ang sakit na kasi ee. Sobrang sakit na. Pero wala akong magagawa kung hindi ang magparaya.

"Don't waste your tears. Walang magagawa ang pag iyak mo. In the end, you'll still be the loser." Napatingin ako sa babaeng nagsalita.

"Here. Wipe your tears." Sabi niya sakin saka inilahad ang panyo na nasa kamay niya.

"Sino ka ba? Umalis ka nga sa harapan ko. Hindi ko kailangan ng opinyon mo." Mariing sabi ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako saka nagsalita.

"Pero kailangan mo ang tulong ko." Sabi niya sakin habang hindi pa rin nawawala 'yung ngiti niya, ngiting parang may masamang binabalak.

"Tulong? Hindi ko rin kailangan ng tulong mo." Sabi ko at saka siya tinalikuran. Ano bang alam niya?

"Diba gusto mong mapasayo si Kurt?" Sabi niya na siyang kinagulat ko. Napatigil ako sa paglalakad saka humarap sa kaniya.

"Pa'no mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko.

"That's not important. Ang mahalaga, kaya kitang tulungan sa problema mo." Sabi niya sakin.

"Hindi ko alam kung pa'no mo nalaman 'yun pero hindi mo alam ang lahat kaya wala kang magagawa." Sabi ko.

"Alam? Marami akong alam. Alam ko ang lahat." Sabi niya saka ngumisi.

"Sino ka ba? Anong gusto mo? Bakit mo ginagawa 'to? Anong kailangan mo sakin?" Sabi ko sa kaniya.

"Gusto? Wala akong ibang gusto kung hindi ang mahirapan ang babaeng 'yun at makapaghiganti sa ginawa niya sakin." Sabi niya.

"Wala akong pakialam sa inyo. Wala akong pakialam sa babaeng 'yun, kaya pwede ba? Tigilan mo na ko." Sabi ko.

"Hindi lang ako ang makikinabang dito. Ikaw rin. Makukuha mo si Kurt at ako, makapaghihiganti ako kay Maxene." Sabi niya pa.

"Ayoko. Hindi ako makikipagtulungan sa'yo. Kaya kong gumawa ng sarili kong paraan. Hindi ko kailangan nang kahit na sino." Sabi ko sa kaniya. Pero ang totoo, gusto ko na ring magparaya.

"Sige. Hindi kita pipilitin pero kung sakaling nagbago ang isip mo. Tawagan mo lang ako." Sabi niya saka naglakad palayo. Pagkatingin ko sa pwesto nina Kurt kanina ay wala na sila.

Napatingin ako sa nilagay niya sa kamay ko. Isang calling card.

Coleen Hitareku

Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya pero parang pamilyar ang apelyidong iyon.

Saan ko ba narinig 'yun? Pamilyar talaga.

Umakyat na ko pabalik sa condo ni Kurt. Habang nasa elevator ako ay may bigla akong naalala.

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon