Chapter 29- Secrets Unveiled

112 4 1
                                    

Hey Guys! I'm really sorry for the super late update! Still coping up with college life! Haha and one more thing, I've been reading a lot of stories from great writers para naman mas mainspire ako at maimprove ko ang writing skills ko lalo na't medyo malapit na tayo matapos although baka maextend pa siya ng kaunting chapters. Anyway, I know kaunti na lang magbabasa nito since baka nakalimutan niyo na but thank you sa mga faithful readers. Haha. :D Anyway, I'll give you a recap from the last chapters! This is a narration lang. :) Pero kung gusto niyo ng mas matinong recap, basahin niyo na lang ulit 'yung last chap! :)

Kahit hindi pa sila nagtatagal sa relationship, Kurt had the guts to ask Maxene to be the one he'll marry and spend his life with deapite of their young age.. and Maxene, gladly accepted it. The next day, Maxene received a letter from a mysterious person but they just ignored it. After an exhaustful day, Maxene waited for Kurt to fetch him but not even a shadow of him came and to add all the drama to the scene, umulan pa. She waited for hours nang bigla 'tong tumawag and she just found out na si Candy lang pala ang kasama nito, ofcourse she got mad pero kung minamalas nga naman, may dumating na lasing na lalaki at napagdiskitahan pa siya. Thanks to Russ and he just came in time and save Maxene from the hands of the dirty drunkard.. and maybe bacause of too much exhaustion, Maxene fainted.

****

Maxene

"Kurt.." Mahinang sabi ko habang hindi pa rin iminumulat ang mga mata ko. Sana paggising ko nandito na siya.

"Ako ang nandito pero siya pa rin ang hinahanap mo." Napamulat ako at napabangon ng marinig kong magsalita si Russ.

"Russ?" He sighed.

"Gusto mo tawagan ko si Kurt?" Sabi niya. I saw a hint of pain in his eyes pero saglit lang at nawala na 'yun at napalitan ng ngiti niyang nakakaloko. Nangunot ang noo ko.. he looks familiar.

"W-wag na." Tumango siya at ngumiti. Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na gwapo siya lalo na 'pag ngumiti. Bihira ko lang siya makita ngumiti kaya naman gan'to siguro ang reaction ko. Kahit sinong babae siguro ay matutunaw ang puso but except me. My world revolves to someone else.

"Okay ka na ba? Bigla ka na lang nahimatay kanina kaya inuwi na agad kita. Inaapoy ka pa ng lagnat." Sabi niya at 'nun ko lang narealize na nandito na 'ko sa kwarto ko.

"Yup. Thank you nga pala." Sabi ko.

"Wala 'yun. Wait. Kukuha lang ako ng soup ." Sabi niya. Napatitig na lang ako sa likod niya. Somehow, I felt so disappointed. Si Kurt ang ine-expect ko na gagawa ng mga gan'tong bagay but wala siya.. at kasama niya 'yung Candy na 'yun.

"Ma'am?" Napatingin ako sa may pinto at mula doon ay pumasok ang isang katulong. Ngumiti ako.

"Bakit po manang?" Tanong ko.

"Sabi po ni Sir Russ, mahiga daw po muna kayo at baka makasama po sa inyo kung babangon agad kayo. Ito po 'yung tubig at twalya na ipinahanda niya.. At saka po pala, ako po pala ang nagpalit ng damit niyo kanina kasi basang basa na kayo." Sabi niya at mahinang tumawa. "Baka daw po kasi mapagbintangan niyo siya na nagpalit ng damit niyo." Natawa rin ako sa huling sinabi niya. Ganun talaga ang tingin niya sa'kin?

"Sige po, Manang. Ako na po ang bahala. Magpahinga na rin po kayo." Sabi ko, tumango lang siya at umalis na. Humiga na lang ako at ang sakit nga ng ulo ko dahil na rin siguro sa nabasa ako ng ulan kanina.

"Maxene?" Napabangon ako ng dumating si Russ. Natawa ako ng maalala ko 'yung sinabi nung isang katulong.

"What?" Kunot noong tanong niya.

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon