Chapter 17-Mr. Hitareku

450 13 2
                                    

Patawarin niyo ko . Di ako magaling with that drama thing . T.T

Maxene's POV

"Maxene" Napalingon ako ng may tumawag sakin , napangiti ako nung makita ko si Kurt na nakatayo sa likuran ko . Hindi ko alam kung nasaan ako . Basta ang alam ko lang ang ganda ng lugar na 'to pero ito ako , basang basa sa ulan .  Kanina pa ko nakaupo sa damuhan , hindi alintana kung magkasakit man ako . Kaya nga nakaramdam ako ng kapanatagan ng dumating siya .

Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya na parang ang tagal niyang nawala not minding na basang basa ako , basang basa na rin naman siya . Ewan ko ba pero parang gustong gusto ko siyang yakapin ngayon . I stayed like that for a while pero kumalas din ako sa pagkakayakap at humarap sa kaniya . I can sense something wrong .

"Bakit hindi ka nagpayong ? Nabasa ka tuloy ." Sabi ko at nagpout . Baka magkasakit siya . Hindi siya sumagot sakin at tiningnan lang ako .

"Kurt ? May problema ba ?" Nag aalalang tanong ko sa kaniya nang makita kong blangko lang siyang nakatingin sakin at hindi man lang ako nginitian . Ni hindi nga niya ko niyakap . May kakaiba sa kaniya ngayon .

"Pumunta lang ako para sabihin sayo na itigil na natin 'to . Hindi na kita mahal ." Sabi niya na ikinagulat ko . Ano bang sinasabi niya ? Is this some kind of a joke ? Kung ganun , hindi magandang joke 'to .

"A-ano bang s-sinasabi mo ? H-huwag ka ngang m-magbiro ng g-ganiyan ." Sabi ko kahit pinipigilan kong  pumiyok . Pero mas gugustuhin kong isiping isa lang 'tong biro . Nagbibiro lang siya , diba ?

Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa mga braso niya . "Totoo ang sinasabi ko , hindi na kita mahal ." Sabi niya sa isang malamig na boses . Tinitigan ko siyang mabuti ngunit wala akong mabakas na kahit anumang emosyon sa mga mata niya . Doon na nagsimulang mag unahan sa pagpatak ang mga luha ko . Para akong sinaksak ng ilang beses sa sinabi niya . Kahit sa mata niya , I didn't see what I'm looking for . I can't see it in his eyes . That emotion that I always see in his eyes .. before . Love . All I can see is nothing . Not even a bit of it .

"Hindi . Hindi yan totoo ." Sabi ko saka kinagat ang labi ko , sinusubukang pigilan ang paghikbi . No . Ayokong umiyak . I'm a strong person .

But I'm wrong ...

"Bakit Kurt ? Anong nagawa ko ? Sabihin mo sakin ." Sabi ko sa mahinang tinig na halos pabulong na . Feeling ko bigla akong nanghina at nawalan ng lakas . Hindi ako malakas . No . Not this time . Hinawakan ko siya sa balikat pero marahas niya 'yung inalis na dahilan para mapaupo ako . Akala ko , tutulungan niya ko pero tinitigan niya lang ako na parang wala siyang pakialam sakin saka tumalikod . I can't stand it anymore and I've let out a sob . Tumigil siya saglit sa paglalakad at nagsalita .

"Napagsawaan na kita . Ayoko na sayo ." Sabi niya . Umiling ako .

"Hindi ! Hindi yan totoo ! Nagsisinungaling ka lang ! Alam ko !" Tumayo ako at niyakap siya mula sa likod . Hindi . Alam kong hindi magagawa ni Kurt ang bagay na 'to sakin .

"Huwag kang umalis . Please . Wag mo kong iwan ." Pagmamakaawa ko sa kaniya pero muli , inalis niya lang ang kamay ko at naglakad papalayo sakin . Hindi . Hindi 'to totoo .

"Wag mo na kong susundan pa ." Sabi niya sa huling pagkakataon at bigla na lang siyang nawala .

"Kurt ... Wag mo kong iwan ... p-please ." Sambit ko muli habang umiiyak pero wala na siya .

"MAXENE ! Gumising ka ! Fvck ! Anong nangyayare ?!" Napabangon ako ng marinig ko ang boses ni Kurt . Nakita ko siyang nasa tabi ko at alalang alala na nakatingin sakin . Panaginip ? No . It's a lot more like a nightmare . Isang bangungot . Niyakap ko siya na ikinagulat naman niya .

Playboy's Bestfriend(READ MY NOTE AT THE LAST CHAP FIRST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon