Mahal, Bibitawan na Kita
Sa ilalim ng kalawakan
Sabay nating pinagmasdan
Ang ganda ng bituin at buwan
Na naging saksi ng ating pagmamahalan.
Sing tamis ng ubas
Ang halik mong walang kupas
Sa mga problema kung binigyang lunas
Ng iyong mga ngiting wagas.
Ngunit ang tamis ng ating pag-ibig
Ay inanod ng malakas na tubig
At bigla kang lumamig
At iyong mga halik ay dina kaibig-ibig.
Kahit pag-ibig mo'y pumait
Hindi ko kayang ikaw ay ipagpalit
Dahil saksi ang langit
Kung gaano kita kamahal kahit magdulot man ng sakit.
Mahal kung pagod ka na sa akin
Huwag kang mag dalawang isip na sabihin sa akin
Kasi sa oras na sabihin mo ay bibitawan na kita
Kung ito ang iyong ikakasaya.
Mahal, sa oras na binatawan na kita
Huwag mo sanang kalimutan na mahal kita.
Kaya mahal kung sa kaniya ka liligaya
Handa akong ihatid ka sa kaniya.
-wakas
BINABASA MO ANG
Thoughts of Faye
PoetryShe's not just a girl, she's the poetry itself. A symphony of emotions waiting to be played, a kaleidoscope of feelings yearning to be seen. Join her on a journeywhere joy dances in sunbeams, heartbreak echoes in the dead of night, and loneliness c...
