TOF: 10

21 2 0
                                        

WALANG KARAPATAN

Mahal, alam ko na
Alam ko ng pagod ka na
Alam ko ng wala na
Alam ko ng tapos na.

Pero bakit mahal, bakit humantong sa ganito?
Bakit mo pa pitagal ang tayo?
Na kung saan mahal na kita ng todo
Na kung saan seryosong seryoso na ako sa'yo.

Pero sino ba naman ako para magreklamo?
Wala naman akong karapatan sa'yo
Kasi hindi ko naman pagmamay-ari ang puso mo
Kasi ako lang 'to, nagmamahal sa'yo.

Wala akong karapatan na pilitin ang puso mo
Pilitin na piliin ako
Pero bakit ba hindi nalang ako?
Bakit hindi nalang pwedeng ako?

Mahal sagutin mo ako
Ni minsan ba ay minahal mo ako?
Ni minsan ba ako ang nilalaman ng isip mo?
Ni minsan ba ay pinili mo ako?

May karapatan akong malaman ang totoo?
Ang totoo kung minahal mo ba ako
Pero walang akong karapatan sa iyo
Wala akong karapatan na diktahan ang puso mo.

-wakas

Thoughts of FayeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon