| 𝙎𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝙨𝙖 '𝙠𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙣𝙞𝙩𝙤, 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙨𝙙𝙖𝙣 𝙠𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙮𝙤. - 𝙎𝙝𝙞𝙧𝙚𝙗𝙤𝙪𝙣𝙙 & 𝘽𝙪𝙨𝙠𝙞𝙣𝙜
Nakatingin sa malayo, tingin ay diretso sa mga ngiting nakakabighani na siyang nagpalusaw sa nagyeyelong nararamdaman. Mga mata mo'y tila bang may kakaibang kapangyarihan-nagbibigay ginhawa at kapayapaan. Boses mo'y kay sarap pakinggan, tila hinehele ang aking sistema, resulta sa aking pahinga.
Sa tuwing ika'y lalapit, naghuhumerentado ang aking puso. Hindi alam ano ang gagawin - ang tignan ka o ang yakapin ka?
Tama nga sila, darating ang araw na nakatayo ka lang, nakatingin sa mga mata at sa mga labing nagsasalita, walang pake sa paligid, at ni isang letra walang lumalabas 'pag kaharap mo ang isang tao na siyang dahilan kung bakit biglang nagkahulugan ang mga bagay sa mundo.
Ngunit alam ko, alam ko na walang pag-asa ang '𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙩 𝙖𝙠𝙤', dahil simula palang may '𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙩 𝙨𝙞𝙮𝙖' na. Iyong ngiti ay para sa kaniya at hindi sa akin. Iyong tingin ay nakaakdang tumingin sa kaniyang mga mata.
Ngunit sapat na sa akin ang ganito, dahil alam ko bago pa may '𝙠𝙖𝙮𝙤', langhap ko na ang amoy na pangarap na hindi ko kayang maabot-ang hagkan at yakapin ka.
-𝗴𝗮𝘆𝗶-𝗶
A/N: Happy Valentine's Day, mga mahal ko!
BINABASA MO ANG
Thoughts of Faye
PoetryShe's not just a girl, she's the poetry itself. A symphony of emotions waiting to be played, a kaleidoscope of feelings yearning to be seen. Join her on a journeywhere joy dances in sunbeams, heartbreak echoes in the dead of night, and loneliness c...
