Akala at Ikaw
Akala ko'y tadhana
Noong tayo ay nagkakilala
Kislap sa iyong mga mata
Ako'y naniwala.
Sa tuwing aking inaalala
Ang mga nakaraang tayo ay magkasama
Mata ko'y lumuluha,
Sarili ko'y 'di ko na kilala.
Sa iyong bisig ako'y nangugulila
Iyong ngiting dati'y aking kapsula
Ngayon ay naging bala sa aking panghihina
Panghihina dahil kapiling mo'y iba na.
Ako'y nandito iniisip na sana'y hindi kita sinama
Sinama sa pangarap na akala ko bubuin nating dalawa.
Na sana'y hinayaan kung lumabas sa tainga
Ang mga matamis mong pangakong lumalabas sa iyong bunganga.
Buong akala ko ay ikaw na
Akala ko'y tatanda tayo na magkasama.
Siguro nga'y tayo pinagtagpo ngunit hindi tinadhana.
Sapagkat, ako ay para sa ako at ikaw ay para sa kaniya.
— wakas
BINABASA MO ANG
Thoughts of Faye
PoetryShe's not just a girl, she's the poetry itself. A symphony of emotions waiting to be played, a kaleidoscope of feelings yearning to be seen. Join her on a journeywhere joy dances in sunbeams, heartbreak echoes in the dead of night, and loneliness c...
