WALANG TAYO
'Gusto kita', mga katagang lumabas sa dila mo
Na siyang dahilan sa pagtibok ng puso ko
Na siyang dulot kung baki ako nagkakaganito
Na para bang tumigil ang mga bagay sa paligid ko.
Saksi ang mundo
Kung gaano ako kasaya sa piling mo
Kung gaano ako kakomportable sayo
Kung paano ako nagbago ng dahil sa'yo.
Higit isang buwan na tayo
Isang buwan kung saan naghaharutan tayo
Isang buwan kung saan nagpupuyatan tayo
Isang buwan kung saan masaya tayo.
Gusto din kita, ngunit bakit ganito?
Bakit naging ganito tayo?
Bakit parang walang tayo?
Bakit para ako lang ang nagmahal sa relasyong ito?
Oo nga pala, walang tayo
Nakakatawang isipin no'?
Na nagpapalitan tayo ng 'I love you'
Ngunit walang tayo.
Nagseselos ako
Kahit walang tayo
Nag-aaway tayo
Kahit walang tayo
Pero 'wag naman ganito
'Wag mo namang balewalain ang nararamdaman ko.
Oo nga't walang tayo
Pero may karapatan ako.
May karapatan ako
Na malaman ang totoo
Na marinig ko sa iyong mga bibig mismo
Kung ano nga tayo.
Ano nga ba talaga tayo?
Sino ba talaga ako para sa iyo?
Bakit ka ba nagbibigay motibo?
Kung hindi naman pala ako ang mahal mo.
-wakas
BINABASA MO ANG
Thoughts of Faye
PoetryShe's not just a girl, she's the poetry itself. A symphony of emotions waiting to be played, a kaleidoscope of feelings yearning to be seen. Join her on a journeywhere joy dances in sunbeams, heartbreak echoes in the dead of night, and loneliness c...
