TOF: 2

32 4 0
                                        

DALAWAMPONG BILANG

Isa, dalawa, tatlo
Nang tayo ay pinagtagpo
Sa mundong sinabing lahat ay 'di totoo
Lahat ay tila laro.

Apat, lima, anim, pito
Nang akala ko ay hindi totoo
Na maramdaman ko ang pag-ibig dito
Ni hindi inisip na laro ito.

Walo, siyam, sampo
Nang magtapat ako sa iyo
At sobrang ang saya ko
Nang sinabi mo, na gusto mo rin ako.

Labing-isa, labing-dalawa, labing-tatlo
Nang higit sa isang buwan ay naging tayo
Ni hindi mo rin ako
Pinilit na makita ang tunay na mukha ko.

Labing-apat, labing-lima, labing-anim, labing-pito
Na akala ko ay saya lang ang dulot nito
Ngunit lahat ay biglang gumuho
Nang sinabi mong lahat ng ito ay hindi totoo
Na lahat ng ito ay puro laro.

Labing-walo, labing-siyam, dalawangpo
Dapat naniwala ako
Dapat sumunod ako
Na sa mundong ito
Ang magmahal ng totoo ay talo.

-wakas

Thoughts of FayeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon