MAHAL
Mahal, ako pa rin ba?
Ako pa rin ba ang nagpapatibok ng puso mo?
Ako pa rin ba ang dahilan ng mga ngiti mo?
Ako pa rin ba ang mahal mo?
Mahal, gusto kong itanong sa'yo
Kung bakit bigla kang naging sing lamig ng yelo?
Kung bakit ang dating kulit mo
Ay nawala ng ganito.
Bakit mahal? Anong pagkukulang ko sa iyo
Ginawa ko naman ang lahat para sa'yo
Pero ba't mo ako iniwan sa dulo
Sa dulo na kung saan ang natamo
Ay lungkot sa mundong ito.
Mahal? Bakit? Bakit nagawa mo pa rin ang magloko?
Hindi ba sapat ang pagmamahal ko sa'yo?
Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko sa'yo?
Hindi pa ba sapat ang naranasan ko para sa'yo?
Bakit mahal? Bakit mo ako ginanito?
Bakit kung saan ako nag seryoso
Ay doon ka nang gago.
Kung saan ang iniwan mo
Ay kirot sa puso ko.
Ganito ba talaga ang natatamo
Sa mga seryosong katulad ko?
Sa mga taong nagmahal lang naman ng totoo?
Bakit ganito? Ang sakit naman nito.
Mahal, kung saan ka man ngayon
Sana alam mo na andito parin ako
Naghihintay sa mga halik at yakap mo
Naghihintay parin ako sa iyo.
Pero kung ayaw mo na sa piling ko
Handa kong tanggapin para sa iyo
Handa akong ipaubaya kung saan ikakasaya mo
Pero itong tatandaan mo
Mahal, mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko.
-wakas
BINABASA MO ANG
Thoughts of Faye
PoetryShe's not just a girl, she's the poetry itself. A symphony of emotions waiting to be played, a kaleidoscope of feelings yearning to be seen. Join her on a journeywhere joy dances in sunbeams, heartbreak echoes in the dead of night, and loneliness c...
