UNANG ARAW
Unang araw ng buwan
Ngiti mo'y natanaw sa di kalayuan
Mga mata mong kay ganda
Tumitig sa aking mga mata
Unang araw, pinana ni kupido
Ang puso kung bato
Biglang tumibok, sing bilis ng takbo ng kabayo
At nalaman kong ika'y aking ginugusto
Tinanong ang pangalan sa iyong mga kasama
Sapagkat ako'y nahihiya na kausapin ka
Pangalan mo'y musika sa aking tainga
Isang banggit lang ako'y napapangiti na
Isang taon akong tinatanaw ka sa malayo
Ngunit isang araw lang ay biglang naglaho
Inamin ang nararamdaman ko sa iyo
At biglang gumuho ang mundo nang sinabi mong iba ang gusto mo.
Binuksan ang pinto ng puso
Sinira ang haligi na ilang taon kung itinayo
Nagbabakasakaling pwedeng may tayo
Nagbabakasakaling may ikaw at ako.
Galit ako ni kupido
Bakit sa dinaming-daming tao, piniling panain ang puso ko
Bakit pinana kung hindi naman pwedeng maging tayo.
Bakit pinana pa kung ang sa huli ako ang masasaktan ng puro.
Galit man ako kay kupido ngunit nagpapasalamat pa rin ako
Dahil pinaranas niya sa aking paanong humanga sa isang tao
Pinaranas sa akin na kahit masakit na kung mahal mo ang tao
Hahayaan mo siya sa kaniyang gusto
Kahit na ikakawasak ng puso ko.
— wakas
BINABASA MO ANG
Thoughts of Faye
PoetryShe's not just a girl, she's the poetry itself. A symphony of emotions waiting to be played, a kaleidoscope of feelings yearning to be seen. Join her on a journeywhere joy dances in sunbeams, heartbreak echoes in the dead of night, and loneliness c...
