TOF: 12

18 2 0
                                        

CRUSH LANG NAMAN KITA

Higit pitong libong tao sa buong mundo
Ngunit isang tao lang ang natatanging gusto ko
Na malabong pansinin ako
Na malabong magustuhan niya ang isang tulad ko.

Simoy ng hangin
At ako'y parang nahulog sa bangin
Nang tumingin ka sa akin
Ako'y nginitian mo at tuluyan ng nahulog sa malalim na bangin.

Tila mga gusto mo
Ay saulong-saulo ko
Mga paboritong mong pagkain at kulay
Ay alam ko ng hindi mo malay.

Ngunit crush lang naman kita
Pero bakit ako nasasaktan ng makita ka?
Makitang masaya ka sa iba
Makitang nanliligaw ka sa kaniya.

Bakit ba ay gusto pa rin kita?
Kahit alam ko namang malabo na
Malabo na maging parehas tayong ng nararamdaman sa isa't isa,
Malabong maging akin ka.

Crush kita, matagal na
Kaso ayaw kong umamin at mawala,
Mawala na parang bula
Ang ating pagsasama.

Crush kita at suportado kita
Suportado ako sa pagmamahal ninyong dalawa
Masakit man makita kang masaya ka sa kaniya
Pero wala akong magagawa kundi ang gustuhin ka.


-wakas

Thoughts of FayeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon