TOF:14

17 2 0
                                        

O, AKING KAIBIGAN

O, aking kaibigan
Nagsimula sa simpleng pagpapakilala
Hanggang sa ikaw at ako'y magkasama
Sa lahat na bagay na tila
Ay tayo'y bata pa.

O, aking kaibigan
Ako'y iyong karamay
Sa lahat ng bagay
Na sinukuan ka.

O, aking kaibigan
Pasensiya't hindi ako'y tulad mo
Nabuhay na may ginintuan sa plato
Sapagkat ako'y isa lamang tao
Na handang tanggapin ang pagkatao mo.

O, aking kaibigan
Sana'y 'wag magtampo
'Pag lahat ng gustong gawin mo
Ay inaayawan ko,
Sapagkat hindi lahat ng gusto mo
Ay makukuha mo.

O, aking kaibigan
Sana'y 'wag mong ipagtulakan
Ang taong gusto kang ipaglaban
Sa mundong, ikaw ay hinuhusgaan,
'Wag mong hayaang pakawalan
Sapagkat sa panahon ngayon
Mahirap maghanap ng taong
Kaya kang ipaglaban.

O, aking kaibigan
Patawad kung nasaktan man kita
Subalit 'wag mong isipin na ika'y aking tinalikuran.
Pagkakaibigan natin ay mahirap kalimutan
Sapagkat ika'y naging parte na ng buhay ko
Kaya kaibigan, palagi mong isipin na
MAHAL NA MAHAL KITA, AKING KAIBIGAN.

-wakas

Thoughts of FayeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon