MALI BA ANG TAYO?
Nakatingin sa malayo
Inaalala ang tayo
At tinanong ang sarili kung bakit naging ganito
Ang dating pagmamahal, napalitan ng pait at sakit sa puso.
Dating paru-paro naging insekto
Dating tamis naging yelo
Dating mahal naging stranghero
Dating tayo naging kayo.
Pangarap nalang ba ang maging tayo?
Pangarap nalang ba ang makasama ka sa mundong ito?
Hanggang pangarap nalang ba ako?
Hanggang tingin nalang ba ako sa masaya niyong mundo?
Pwede bang ibalik ang panahon noong may ikaw at ako?
Pwede bang ibalik at itigil ang oras sa panahong tayo?
Hindi na ba talaga kayang bumalik sa piling ko?
Hindi na ba pwedeng ulitin ang tayo?
Bakit ang bilis napalitan ng tayo sa kayo?
Bakit ang bilis napalitan ng "mahal kita" sa "itigil na natin to"?
Ayoko to eh, ikaw ang bulaklak na ayaw kung mawala sa buhay ko.
Ikaw lang at ikaw kahit na siya na ang iniibig mo.
— wakas
BINABASA MO ANG
Thoughts of Faye
PoetryShe's not just a girl, she's the poetry itself. A symphony of emotions waiting to be played, a kaleidoscope of feelings yearning to be seen. Join her on a journeywhere joy dances in sunbeams, heartbreak echoes in the dead of night, and loneliness c...
