TOF:16

17 3 0
                                        

SIYAMNAPU'T SIYAM, ISANG PORSYENTO

Sa dinami-daming tao sa mundo
Isa ang nagpatibok ng puso
Tila ba'y walang magawa
Kundi ang hangaan ka.

Sabi nila, masaya ang magmahal
Ngunit alam mo ba kung ano ang mas masaya?
'Yon ay gusto ka rin ng gusto mo
'Yung tipong pareho niyong mundo ang isa't-isa.

Ikaw, oo ikaw
ikaw na gusto ko
Ikaw na nagbibigay kulay sa madilim kung mundo
Anong gagawin ko?
Kung ang sa ilalim ng kalawakan, iba ang kasama mo?

Bituin at buwan ay saksi,
Saksi sila kung gaano ko ka gusto ang mga ngiti
Ngiting humulma sa mga labi mo
Ngiting, nag papatigil sa oras ko.

Ngunit, alam mo ba?
Na ang siyamnapu't siyam na porsyento na bahagi ng puso ko
Ay para sa iyo, ibibigay ko iyan sa'yo
Kahit malabong mapansin mo ako.

Isang porsyento, isang porsyento ang natira sa puso ko
Ganyan kita kagusto na kahit maubos ako
Ibibigay at ibigay ko pa rin sa iyo
Ang aking mundo.

-wakas

Thoughts of FayeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon