Sabina's P.O.V
"I love you Sabina. I really do." sabi ni Natalia na nasa ibabaw ko. Parehas kaming namumula ang mukha dahil sa nangyayari ngayon.
'Just what the heck is happening?!'
[Flashback] (20 minutes ago)
"Naka uwi ka na pala apo! At nagdala ka rin ng pagkagandang bisita!" masayang bati ni Lola. Ngumiti namn si Natalia at nagsalita.
"Good afternoon po nay." bati ni Natalia dahilan para ngumkti si Lola.
"Ay magandang hapon rin, maupo ka muna anak. Apo, paki tulungan ako sa kusina pagkatapos mong magpalit." masayang tugon ni Lola kaya tumango ako at dinala si Natalia sa sala.
"Wait, mag papalit lang ako ng damit." sabi ko kay Natalia at pina upo siya sa couch. Tumango naman si Natalia at nilibot ng tingin ang sala.
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Nilagay ko ang bag sa study table at hinubad ang uniform. Nagpalit ako ng black hoodie at pajamas at bumaba na. Naabutan ko sa sala sila Lola at Natalia na nag uusap.
"Ganun po ba? Mukang masayahing bata mo si Sabina." masayang sabi ni Natalia kaya naalerto naman ako.
"Lola, ano po gagawin ko?" putol ko sa usapan nila.
"Ay, paki tulungan ako kung paano buksan yung oven. Hindi ko kasi makita yung mga nakasulat dun." sagot ni Lola at nauna na sa kusina.
"Ano sinabi ni Lola sayo?" tanong ko kay Natalia na nakangiti lang.
"I don't know." pang aasar niya kaya bumuga na lang ako ng hangin at pumunta na sa kusina para matulungan si Lola.
Natapos ang binake na cookies ni Lola at sabay namin yung kinain. Habang kumakain nga, nagkukwento si Lola tungkol sakin na nagugustuhan naman ni Natalia.
Pina akyat na kami ni Lola kahit ako dapat ang maghuhugas ng pinggan. Sabi niya may bisita daw ako kaya siya na lang daw ang maghuhugas. Nakarating kami sa kwarto ko at sinarado ko na ang pintuan.
Pabagsak na humiga ako sa higaan at pumikit. Naririnig ko namang naglalakad si Natalia. Mukang uupo ata sa higaan. Makalipas ang ilang sigundo, wala pa rin akong maramdaman na lubog sa kanan ko kaya dumilat na ako.
"Sabina..."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Natalia na naka under garments na lang. Kita ko ang magandang katawan ni Natalia. At mas nagulat pa ako nang sampahan ako ni Natalia. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko para hindi ako makagalaw.
"A-anong ginagawa mo?!" mahinang sigaw ko kaya tumingin siya saakin at ngumiti.
"I-I don't really know. I just felt like it." sagot niya kaya nagpumiglas ako.
"Hindi magandang biro 'to Natalia, nasa baba lang si Lola. Bitawan mo ako at umalis ka sa ibabaw ko." malamig kong tugon pero mukang wala siyang narinig dahil mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak niya sa akin.
"Sabina." seryosong boses ang narinig ko kaya napatigil ako sa pagpupumiglas. Tiningnan ko siya at nakita ko ang pagmamahal at akit sa mga mata niya.
Nilapit niya ang mukha niya kaya napapikit na lng ako. Mga ilang sigundo ay naramdaman ko na ang malambot niyang labi. Ginagalaw niya ito habang inalis niya ang pagkakahawak niya sa kaliwang braso ko. Hinawakan niya ang kaliwang pisnge ko at mas lalong lumalim ang halikan namin.
Itinaas ko ang kaliwang braso ko at sinubukan na itulak siya pero walang silbi ito. Nang hihina na rin ako dahil sa halik ni Natalia. Mga ilang sigundo at lumayo na si Natalia sakin pero nasa ibabaw ko pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
RomanceA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A