• Short Valentine Special •

416 14 0
                                    


Cassandra's P.O.V


Ngayon ay hinihintay namin nila Genesis at Sabina sila Ann dito sa classroom. Pumunta sila sa cr, habang ito kaming tatlo. Nag-uusap silang dalawa habang naglalaro ako sa phone ko. At kung curious kayo sa nangyari kahapon, ayun hindi namin nahulaan yung crush ni Sab. 

Kasi naman, yung mga clues niya! Walang kwenta! Mas mahuhulaan pa namin yun kung hindi siya nagbigay ng clues.

Pero wait, ano na ba ngayon? 14... Feb 14... Oh, Oh! OMG!

"Oh my god!" sigaw ko at tumayo. Nagulat naman sila Sabina sa sigaw ko.

"Omg girls!" sigaw ko at humarap kila Genesis na nakakunot ang mga nuo.

"Ano ba yun?" tanong ni Genesis habang nakakunot ang nuo. Umiling naman ako at hinawakan siya sa balikat.

"Alam mo ba kung anong meron ngayon?!" tanong ko na ikina iling ni Genesis.

"Ano bang meron ngayon?" tanong ni Genesis. Ngumiti ako at tinaas ang dalawang kamay ko.

"It's Valentines Day!" masayang sigaw ko.

Napa "ahh" naman si Genesis habang umiling si Sabina. Sumimangot ako at hinawakan ang magkabilang balikat ni Sabina. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niyang nakasimangot.

"Araw ng pag ibig ngayon babaita! Ayusin mo yang mukha mo para may mag-aya sayo!" sabi ko kaya umiling si Sabina at tinanggal ang kamay ko sa balikat niya.

Tiningnan ko naman si Genesis na nakangiti ng mapait.

"At ikaw rin!" sabi ko na gumulat kay Gen. Tinuro niya ang sarili niya at tumango ako. Bumuga naman siya ng hangin at umayos ng upo.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay dumating na sila Ann at yung mga kaklase namin. Dumating na rin ang teacher at sinabi niya kung anong mga mangyayari ngayong Valentines.

May mga booths daw tas may pa matching tshirt pang nalalaman. Pero cute naman yung design ng t-shirt kaya sure akong maraming bibili nun. Natapos yung oras ni sir Armin at nagsimula na kaming maglibot libot ng buong university.

"San niyo gusto pumunta?!" masayang tanong ni Princess samin kaya nag isip muna kami.

"Sa bahay." sagot ni Sab kaya natawa ni Alexa habang ngumuso naman si Princess.

"Kj naman 'to, hahanapan na lang kita para ngumiti ka naman." tugon ko at siniko si Sabina sa tagiliran.

"Sayo na lang yang mahahanap mo." sagot niya at naglakad papalayo.

"Hoy, san ka pupunta Sab?!" sigaw ni Gen. Tumigil sa paglalakad si Sabina at humarap sa amin.

"Sa cr lang, text niyo na lang sakin kung saan kayo pupunta." tugon niya na ikinangiti namin at naglakad na ulit siya papalayo.

"So saan tayo?" tanong ni Alexa habang tumatango naman si Ann. Tumingin sila Genesis sa amin ni Princess kaya nagkatinginan kaming dalawa at ngumisi.

"Alam ko na kung saan tayo."


Bella's P.O.V

Valentines Day ngayon kaya nandito ang lahat ng students sa labas at naglilibot. May mga babaeng nagse-selfie habang suot suot ang mga valentines t-shirts. May grupo din ng mga lalaki na naglalaro sa isang booth. Masaya at maingay talaga dito sa B.E.E University kapag may okasyon. I really enjoy days like this, when the students are having fun.

"Oh, mango milkshake." tawag sakin ni Stella at inabot ang order kong inumin.

Ngumiti ako at tinanggap ang milkshake habang umupo naman siya sa tabi ko.

Loving The Manager (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon