• Chapter 11 •

366 14 2
                                    


???'s P.O.V


I am currently in my bedroom, waiting for my butler. I instructed him to locate my beloved. I was simply sitting on my bed, using the phone, when the door opened.

Ngumiti ako nang makita ko ang butler ko, si tito Fox. Bata pa lang ako, nasa tabi ko na siya. Ngumiti siya sa akin at nagbow ng kaunti. Naglakad siya sa harapan ko at tiningnan niya ang clipboard na dala-dala niya.

"My lady, nakita na po namin si Sabina Salazar." sabi niya na ikinatuwa ko.

"Did you get her?" tanong ko at nilapag ang phone sa kama. Tumango naman si tito Fox.

"She is currently resting in the guest room." dagdag niya.

Tumayo ako at inabot niya sa akin ang larawan ng mahal ko. Ngumiti ako at nilagay sa bulsa ang larawan. Tumingin muna ako sa labas ng bintana at lumabas na ng kwarto ko.

"My lady, pupuntahan niyo na ba si Salazar?" tanong ni Lux, pamangkin ni tito Fox at personal bodyguard ko.

"Yeah, can you take me there?" tugon ko kaya tumango siya at naglakad na kami.

Habang naglalakad kami ay napangiti ako. I will see her again, my beloved. Tumingin ako sa mga malaking bintana na nadadaanan namin, maganda ang panahon ngayon. Sakto rin para makapag-usap kami.

'I missed you, my beloved Sabina.'


Sabina's P.O.V

Nagising ako nang may ingay akong narinig, may ibon lang pala. Napaupo ako ng mabilis nang maalala ko ang nangyari. Sinuri ko ang kwarto at masasabi ko lang na ang ganda. Parang nasa ibang lugar ako, mansion ata 'to.

Tumayo ako sa kama at naglakad papuntang veranda at nakita ko ang malawak na hardin. Maganda ang hardin, maraming bulaklak at maganda ang pagkadesign dito. Napangiti na lang ako sa nakita ko, sino ba ang hindi mapapangiti dito sa magandang hardin. Napansin ko rin na umaga na pala.

'Diba hapon ako na-kidnapped?'

Narinig ko naman na bumukas ang pintuan ng kwarto kaya mabilis akong napatingin doon. At nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang magandang babae. Napangiti siya nang makita ako at nagsimulang maglakad papunta sa akin. Nataranta naman ako pero hindi ko pinahalata.

'Sino ba 'to? Nasaan ba ako? Anong kailangan nila sakin?'

"Buti naman gising ka na." rinig kong sabi niya. Ang ganda rin ng boses niya, parang boses ng anghel. Binalik ko naman ang malamig kong tingin at seryosong tiningnan siya.

"Sino ka? Nasaan ba ako?" tanong ko at ngiti lang ang sinagot niya.

"Please follow me first, and we will eat before I answer your questions." mahinahong tugon niya at tumalikod na.

Naglakad siya palabas ng kwarto kaya sumunod na lang ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakaharap sa akin at naglakad ulit siya palayo. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa kusina.

May isang mahabang lamesa na may mga nakalapag na pagkain. Dahil naman dito ay nakaramdam ako ng gutom sa sarap nito. Umupo siya sa dulo at tinuro niya ang upuan na nasa gilid niya kaya umupo ako dun. Nagsimula na kami kumain. Habang sumusubo ako ng pagkain, ramdam ko ang mga titig niya kaya bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. 

Creepy naman nitong dyosa na 'to.

"You can ask me anything." sabi niya nang matapos kaming kumain. Uminom muna ako ng tubig bago nagtanong.

Loving The Manager (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon