Sabina's P.O.VDumating na rin ang mga students ng W.L.V kanina at ngayon ay pumapasok na sila sa classroom namin. Tumingin ako sa mga pumapasok na ginagamit ang mga maiingay na bibig nila. Papasok na nga lang kasama pa bibig, kairita.
"Omg! Ang pogi nun!" bulong ni Cassandra habang nag papantasya sa mga lalaking pumapasok. Umiling naman sila Genesis at Ann habang nakisabay na rin si Princess.
"Buti na lang mag kakaklase pa rin tayo." sabi ni Alexa at tumango naman ako at tumingin na lang sa labas ng bintana.
Mga ilang minuto pa ay naka upo na rin ang mga students sa WLV. Sa kanang part sila ng classroom habang sa kaliwang part kami. May isang daanan lang sa gitna at yun lang ang daanan naming lahat.
Tumingin ako sa mga WLV students at nakita ko sila Scarlett na nakatingin rin pala sa akin. Kumaway sakin sina Ashley at Andrian habang nginitian lang ako nila Yasmin at Scarlett. Tinanguan ko lang sila at humarap na sa black board. Pumasok na ang teacher namin at nagturo na.
[Timeskip]
"Uy Sab! Kita ko yun ah." sabi ni Princess at tumingin naman silang lahat sa akin. Nandito na kami sa rooftop at kumakain na. Tinaasan ko siya ng kilay kaya ngumiti siya ng pilyo.
"Yung kanina! Sila Scarlett! Kumaway pa yung dalawang mukang masayahin sayo! Nginitian ka pa nung ibang taga-W.L.V!" sagot niya kaya nag ingay silang dalawa ni Cassandra.
"Kilala mo sila?" tanong naman ni Alexa kaya huminto sa sigawan sila Cassandra.
"Yeah, some of my old friends." sagot ko kaya tumango silang lima.
"Nga pala, nagkita pala kayo ni Arisa kahapon?" tanong ni Genesis kaya umingay na naman sila Princess.
"Oo nga, ano yun?!" sigaw nila Princess habang naguguluhan na naman si Alexa.
"Kaibigan namin nung senior high, nag palit kasi ng profile pic si Arisa kahapon at nandon si Sabina sa photo." sagot ni Ann. Tumango si Alexa at kumain na ulit.
"Nag aya lang siya, yun na yun." sagot ko at kumain ulit.
"Weh? Hindi kami na naniwala." sabat naman ng dalawang gunggong.
"Edi wag." sagot ko kaya napatawa sila Princess.
"Kahit kailan talaga... Musta na pala siya?" tanong ni Genesis kaya huminto na sa pagtawa ang dalawa.
"Same old Arisa, makulit pa rin." walang ganang sagot ko. Tumawa ng mahina si Ann.
"Pero change topic, ang gwa-gwapo ng mga taga WLV. Mukhang galunggong kasi yung mga lalaki dito eh." sabi ni Cassandra habang tumango naman si Princess.
"Sila Marc ba hindi gwapo?" tanong ni Ann kaya nabigla sila Cassandra.
"Ay oo nga pala, hindi ko nilalahat ha. Sila Seth lang yung mga galunggong." pag tama ni Cassandra at sumang-ayon si Princess. Tumawa naman sila Alexa kaya napangiti ako.
'Kahit kailan talaga tong mga 'to, ang kukulit.'
"Sure akong magiging busy tayo sa susunod na mga araw." sabi naman ni Genesis na ikinasang ayon nila.
Nagpatuloy na kaming kumain at nang matapos kami ay bumaba na kami papuntang classroom. Habang pabalik na ay nakasalubong namin sila Kuya Scott at Kuya Martin. Bumulong naman si Cassandra na narinig namin.
"Siya yun! Yung poging mukang suplado." sabay turo kay Kuya Scott na nakikipag usap kila Scarlett.
"Pano mo naman nasabi?" bulong ni Ann at tumigil si Cassandra kaya napatigil rin kami at tiningnan siya.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
RomanceA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A