Sabina's P.O.V
Mahimbing akong natutulog nang tumunog ng malakas ang alarm clock ko at dahil sa inis ko dito ay hinampas ko ito ng malakas dahilan para mamatay ito. Dahil gising na naman na ako ay tumayo na ako at inayos ang kama ko.
Pumunta ako sa cr ng kwarto ko at naghilamos ng mukha. Pagkatapos ay bumaba na ako papunta sa kusina. Naabutan ko sina lola Thelma na nagluluto ng pagkain at si ate Sam na kumakain na.
"Bakit hindi mo ako hinitay?!" sigaw ko kay ate Sam dahil inubusan na ako ng bacon na paburito ko.
"Tumigil ka nga! Ingay ng bibig mo! Ang tagal mo kasi at gutom na ako kaya kumain na ako." sagot naman ni ate Sam at uminom ng tubig. Hindi kasi kumain si ate Sam kagabi kaya gutom.
'Nagpuyat pa naman kakanuod ng k-drama...'
"Sige na apo, kumain ka na at baka malate ka sa unang araw mo sa B.E.E University." nakangiting sabi saakin ni lola sabay kumuha ang plato at pinaghandaan ako.
"Ikaw rin Samantha, bilisan mo at may pasok ka pa." dagdag nya.
Umupo ako sa tabi ni ate Sam at sinimulan nang kumain. Mga ilang minuto ay tapos na kami ni ate kumain at umakyat na sa kanya-kanyang kwarto para makapagligo at makapaghanda na sa mga pasok.
Mga 6:30 na ako natapos maligo at naghanda na. Suot ko na ang uniform ko at nakapaghanda na. Kinuha ko ang bag ko at bumaba. Naabutan ko si ate sa sala na nakaupo. Nakaoffice suit na si ate at mukang hinihintay na lang ako.
Tumingin siya sa akin sabay kinuha na ang bag niya at lumabas na sa bahay. Sumunod ako kay ate sa labas at nakita namin si lola na nagdidilig ng mga halaman.
"Aalis na pala kayo, sige na. Mag-iingat kayo. Lalo kana Sam at ikaw ang magdradrive." sabi ni lola at pinatay na ang hose.
Tumango naman si ate sabay nagpaalam na kay lola at pumasok na sa kotse niya, nagpaalam na rin ako kay lola at pumasok na rin sa kotse.
"Susunduin kita kaya text mo ako kung uuwi ka na." sabi ni ate Sam habang nakatingin sa daan. Sumagot naman ako at tumingin sa mga bahay na nadadaan namin.
'Sana naman hindi puro mga brat yung mga tao dun...'
Ngayon ay nandito na ako sa university. Kakaalis pa lang ni ate Sam ay agad may sumalubong sa akin na malakas at mahigpit na yakap. Dahil dito natumba kami parehas, buti na lang at natukod ko yung kamay ko kaya nakaupo ako habang nakayakap pa rin siya sa akin ng mahigpit.
"Gosh! Sab! Buti at nandito ka na!" masayang sigaw ni Cassandra at mas lalong hinigpitan ang yakap saakin.
'Magkakaroon ata ako ng bali sa katawan...'
"Aray naman Cassie! Bitaw nga, ang sakit na ng katawan ko! Babalian mo ba ako?!" galit na sigaw ko dito upang mapalayo ito sa akin at nag peace sa akin. Tiningnan ko naman ito ng masama at dahan-dahan na tumayo.
"Aray ko... Bali na ata ang braso ko." bulong ko nang makatayo ako at hinagod ang kanang braso ko.
"Grabe ka naman! OA ka girl!" masayang sabi ni Cassandra at hinampas ang likod ko.
'Ang sadista talaga nito ni Cassandra...'
"N-nasaan pala sina Gen?" utal kong sabi dahil sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
RomanceA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A