Sabina's P.O.VBukas na ang simula ng Music Festival. One week ito mag tatagal dahil may mga contest rin araw-araw. Ang mga sumali ay sila Genesis, Alexa at si Ann. Sila Gen at Alexa ay sa Singing contest habang sa Band contest naman si Ann. Niyaya nga ako nila Ann na sumali rin pero wala ako sa mood para tumugtog ng gitara o kumanta.
"Ano ka ba Sabina?! Sumali ka na para may kasama naman si Ann!" sigaw sa akin ni Princess. Tumango naman si Cassandra.
"May kasama siya, yung mga kaklase natin." walang ganang sagot ko na ikina sangayon ni Cassandra.
"She's not wrong..." tugon ni Cassandra dahilan para batukan siya ni Princess. At nag away na naman sila.
"Ano ka ba?! Dapat mapilit natin si Sabina na sumali!"
"Tama naman siya ah! At tsaka wag mo na siyang pilitin! Wala rin namang mangyayari!"
"Ikaw! Hali ka nga dito!"
At naghabulan sila dito sa loob ng classroom. Hapon na kasi at marami sa klase namin ang sumali sa mga contest kaya kami na lang ang natira dito. Yung iba nag gala siguro sa university. Tumayo na ako at lumabas na ng classroom. Mukang hindi naman napansin ng dalawa ang pag takas ko kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Sabina?"
Tawag sa akin mula sa likod ko kaya lumingon ako rito at nakita ko si Maxine. Ngumiti siya at lumapit sakin. Malamig na tumingin lang ako sa kaniya na ikinatawa niya.
"Hindi talaga ako sanay sayo. Sasali ka ba sa festival?" tanong niya at umiling lang ako. Tumango siya at nalakad na kami kung saan man kami pupunta.
Pupuntahan ko sila Genesis na nagpapractice para sa Festival. Ang kakantahin ni Genesis ay Somewhere Out There. Kaduo niya si Andrew na okay lang sa akin, may tiwala naman ako kay Andrew. Mahigpit kasi ako sa mga nakakasamang lalaki nila Genesis lalo na si Cassandra, ang landi pa naman nun.
Si Alexa naman ang kakantahin niya ay I Love You 3000. Babagay yun kay Alexa dahil may magandang boses si Alexa. At sikat na idol rin siya kaya maraming sumuporta sa kaniya.
"Iisa lang pala tayo ng pupuntahan." sabi ni Maxine kaya napatingin ako sa harapan ko.
Nandito na pala kami sa gym. Dito nag papractice ang lahat ng kakanta at tutugtog para sa musicfest.
"Sino pala ang pupuntahan mo dito?" tanong ni Maxine nang makapasok kami sa gym.
"Genesis, Ann at si Alexa." sagot ko at tinanaw ang buong gym. Nang makita ko sila Genesis, tumingin ako kay Maxine na nakatingin pala sa akin.
"Ikaw?" tanong ko kaya napangiti siya at may tinuro sa bandang gilid namin.
Tumingin ako dun at nakita sila Bella at Stella. Kasama rin nila si Joshua na mukang kakanta rin. Tumango naman ako sa kaniya at nagpaalam na. Naglakad na ako papunta kila Genesis na kumakanta. Magkatabing nakaupo silang dalawa habang kumakanta. Tiningnan ko naman si Alexa na may suot na headset kaya tumayo ako sa likod niya.
"I love you 3000..." kanta niya at bumuga ng hangin.
Tinaas ko naman ang kilay ko at kinalabit siya. Tumingin siya sa akin at nagulat pero agad siyang ngumiti ng matamis at niyakap ako.
"It's good that you're here now!" masayang sabi niya kaya nginitian ko siya ng tipid.
"Tabi ka sakin at sabihin mo sa akin kung maganda ba ang boses ko." aya niya at hinila ako sa tabi niya.
Umupo ako sa tabi niya at nagsimula na siyang kumanta. Kinanta niya lang ang part ng chorus pero nagustuhan ko na agad ito. Ang ganda ng boses ni Alexa, may pagkamalamig na malumanay ang boses niya. Ngumiti ako at pumalakpak ng mahina pero sapat para marinig niya. Ngumiti naman siya at niyakap ako. Pi-nat ko ang likod niya at lumayo na siya sa akin na may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
RomanceA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A