• Chapter 23 •

328 2 0
                                    


[Flashback]

Third Person P.O.V

Tumayo si Scarlett mula sa kaniyang upuan at tinanggap ang kamay ni Enfer. Ngumiti siya at nagpakilala.

"I'm Scarlett Patterson, and as you can see we're all 1st year students."

Kita naman sa mukha ng tatlong senior students ang gulat sa narinig nila. Umupo na sila Scarlett at Enfer at nagkatinginan naman ang tatlo. Binalik rin agad ni Enfer ang tingin niya sa limang 1st year na nakatingin lang sa kanila.

"Patterson? So are you related to-" hindi na natapos ang sasabihin ni Enfer ng bumukas ang pinto.

"Sorry, we're late!"

Lumingon sila Sabina sa mga taong pumasok ng kwarto. Nangunguna ang isang magandang babae, another 3rd year student. She has blonde hair, brown eyes, a tall nose, pale skin, a tall and attractive body, and an angelic face that can melt anyone's heart.

'Parang kamukha niya si...' isip ni Sabina habang nakatingin sa babaeng naglalakad papalapit sa kanila.

Sumunod sa kaniya ang isang babae at lalaki na magkamukha. They're both red-haired, have brown eyes, have an attractive face, and are also 3rd year students.

"Oh! Scarlett!" gulat na tugon ng magandang babae habang nakatingin kay Scarlett na nag iwas ng tingin.

"So you're both related after all." sabi ni Enfer habang nakatingin sa babae na nakatingin na sa mga 1st year na nakaupo sa harap nila.

Nang dumaan ang tingin ng babae kay Sabina na nakatingin rin sa kaniya, inalis niya agad ng tingin niya kay Sabina at binalik kay Scarlett na iniiwas pa rin ang tingin sa kaniya.

"Lil' sis, what are you doing here?" tanong ng babae.

"Ugh, sabing wag mo kong tawagin ng ganyan e." angal ni Scarlett at tiningnan ng masama ang babae na nakangiti.

'So magkapatid pala sila.' isip ni Sabina habang nakatingin sa dalawang magkapatid.

"I knew it, so she's your little sister." sabi ni Enfer at tumango naman ang babae.

"Gosh Pres, nakakapagod yung inutos mo sa amin!" angal ng lalaki sa likuran ni Enfer.

"For real... Akala ko hindi na kami papaalisin ng mga yun." tugon naman ng babae na kamukha ng lalaki.

Tumingin ang twin sister sa mga 1st year na tahimik lang na nakamasid sa kanila. Sumaya naman ang mukha ng babae ng dumapo ang tingin niya kay Sabina na nakatingin pa rin kay Enfer.

"Oh my god, you're so gorgeous!" sabi ng twin sister kaya lumingon silang lahat sa babae na nakatingin kay Sabina na may kinang ang mata.

"Oh my gosh! Oo nga!" sabi naman ng twin brother.

Nakatingin lang si Sabina sa kambal na naglalakad papalapit sa kaniya. Nang makalapit sila, nilapit ng dalawa ang mukha nila kay Sabina na agad na inilayo ang mukha niya. Kita sa mukha ni Sabina ang ilang habang paghanga naman ang nasa mukha ng kambal.

"Cyrus, Cyryl, stop that. Kita mong naiilang na siya sa inyo." sermon ni Enfer sa kambal kaya lumayo na sila kay Sabina na bumuga ng hangin.

"Sorry, ang ganda mo kasi. What's your name?" sabi ni Cyryl.

Naghintay sila sa sagot ngunit hindi sumagot si Sabina na nakatingin lang sa kanilang dalawa ng malamig. Nakaramdam naman ng takot ang dalawa kaya bumalik na sila sa tabi ng kapatid ni Scarlett na hangang nakatingin kay Sabina.

Loving The Manager (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon