• Chapter 12 •

372 17 2
                                    


Third Person's P.O.V


"But now that Sabina is here, why don't we ask her? May mahal ka na bang iba, Sabina?" tanong ni Natalia na nagpatahimik kila Bella.

Hinihintay lang nila ang sagot ni Sabina. Natatakot si Bella dahil baka napalitan na siya. Kinakabahan naman sina Maxine at Alexa dahil gusto nilang malaman kung si Bella pa rin ba. Tahimik lang sina Genesis at Stella na nakatingin kay Sabina.

"Paano kapag sinabi kong wala pa." pagputol ni Sabina sa katahimikan. Ngumisi si Natalia at tumingin kay Sabina na nakatingin lang sa bintana.

"Then I'll seduce you till you fall in love with me." sagot ni Natalia.

Tumingin si Bella kay Sabina, bumilis ang tibok ng puso niya sa sinagot ni Sabina. Pero alam niyang wala siyang magagawa,wala siyang magagawa kung ipapagpatuloy niya ang ginagawa niya. Habang nagpipigil namang umiyak si Alexa, alam niya na mahal pa rin ni Sabina si Bella pero mas masakit pala kapag nang galing talaga sa minamahal niya ang mga salitang yun. Ngumiti naman ng mapait si Maxine habang nakatingin kay Sabina.

"Paano naman kung may gusto na akong iba?" biglaang tugon ni Sabina na ikinatingin nilang lahat sa kaniya. Ramdam ni Bella ang kirot na nagmumula sa puso niyang nag wawala kanina.

"Then it's good, nabawasan ang mga karibal ko." sagot ni Natalia at tumingin kay Bella na sinalubong ang mapang-asar niyang tingin.

"Ikaw ba Bella, anong gagawin mo?" dagdag niya na ikinaseryoso ng tingin ni Bella.

Tumingin si Bella kay Sabina na nakatingin pa rin sa bintana. Tumingin naman sila Alexa sa kaniya. Huminga ng malalim si Bella bago magsalita.

"I will fight for her. Don't even think about courting Sabina." sabi ni Bella na ikinagulat nilang lahat. Gulat na tumingin si Sabina kay Bella na nakatingin rin sa kaniya at nakangiti.

"Ridiculous... I will let you go for now but if I see my chance, I will do anything to make Sabina mine." tugon ni Natalia at tumayo sa couch. Ngumiti muna siya kay Sabina na nakatingin lang sa kaniya at lumabas na siya ng kwarto.

Ingay lang ng ibon ang naririnig sa loob ng kwarto. Nakatingin lang sila sa iba't ibang direksyon. Gulat sila dahil sa sinabi ni Bella, akala nila sinuko na talaga ni Bella si Sabina pero mukang mali sila.


[Timeskip]

Ngayon ay naka uwi na sila Sabina sa bahay at makikikain daw sila Cassandra sa kanila. Nakaupo sila sa sala habang nasa kusina si Sabina at nagluluto. Kausap rin nila Genesis si Thelma sa nangyari.

"Mabuti naman at hindi masamang tao ang dumukot sa apo ko." sabi ni Thelma at bumuga ng hangin. Ngumiti naman sila Ann habang nakatingin lang si Genesis sa lola ni Sabina.

"Lola, pano niyo po nalaman na tinigil na ni Bella ang proposal niya?" biglaang tanong ni Genesis kaya napatingin sila sa kaniya.

"Sinabi sa akin ng tito ni Bella, si Robert. Pumunta kasi siya dito para sabihin yun. Hindi ko nga alam kung bakit hininto ni Bella ang kasalan nila." paliwanag ni Thelma at tumango sila Cassandra.

"Sige maiiwan ko na kayo dito, tutulungan ko lang ang apo." pag papaalam ni Thelma at pinuntahan ang apong si Sabina na nagluluto ng pagkain.

"So ibig sabihin, hindi alam ng tito ni Bella na pinilit lang siya ng tatay niya. Tama ba?" sabi ni Ann at tumango si Genesis.

"Mukang tayo lang ang nakakaalam nito." tugon ni Genesis kaya natahimik nina Princess.

"Anong "pinilit lang siya ng tatay niya"? " rinig nila kaya napatingin sila sa likuran nila at nanlaki ang mata nilang apat.

Loving The Manager (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon