Sabina's P.O.VNaglalakad kami ngayon ni Marc papunta sa baseball field at habang naglalakad kami ay pinapaliwanag niya ang gagawin ko bilang manager. Nang makarating kami sa field ay nakatingin silang lahat sa akin at nagsigawan sila.
"Yow! Manager!"
"Hello po!"
"Ang ganda mo naman, Manager!"
"Galing mo talaga maghanap, Marc!"
"Tigilan niyo nga yan!" sigaw ng isang babae na parang nasa mid 20's na.
Humarap siya sa akin sabay kinuha ang mga kamay ko at ngumiti ng malaki.
"Hello! Mabuti at pumayag ka na maging manager ng Baseball Team. Ako nga pala ang coach ng Baseball Team, Dani Bonifacio." masayang bati ni Coach Dani at niyakap ako.
Nagulat naman ako sa ginawa niya pero yumakap rin naman ako. Lumayo sya sa akin at sinimulan ang pagpapakilala ng mga players.
"Jacob Adriano at your service!"
"I'm Nathaniel Choi but call me Nathan."
"Andrew Bueneventura po!"
"Joshua Collins, nice to meet you Manager."
'Collins... Parang narinig ko na yun... Collins... Ah! Maxine Collins! Kamag-anak pala siya ni Maxine.'
"At ako nga pala ang Captain ng team, Daniel Andrada. Nice to meet you Manager!"
Ngumiti naman ako at nagpakilala na rin. Pagkatapos namin magpakilala ay bumalik na sila sa pag tratraining habang sinasabi ni coach Dani ang mga position nila. Nagulat ako ng may tumawag sa akin kaya sinagot ko ito.
"Oi nasaan ka na?" si ate pala! Nakalimutan ko!
"Wait lang, papunta na ako dyan." sagot ko at binaba ang tawag.
Tumingin naman sa akin si coach Dani.
"Sino yun?" tanong nya.
"Ah ate ko po, kailangan ko na po palang umuwi. Nandun na kasi siya sa entrance." pagpapaalam ko at buti naman ay pumayag si coach.
Nagpaalam na rin ako kila Marc. Natatawa ako dahil nalungkot sila dahil saglit lang daw ako pero hinayaan naman nila ako. Sasamahan pa sana ako ni Marc sa entrance pero tinanggihan ko ang alok niya.
Naglakad na ako papunta sa entrance nang makita ko si Cassandra. Kasama niya sila Bella na nagch-cheer sa basketball team na naglalaro.
'Sure akong ang saya niyan...'
Nakita naman ako ni Cassandra at kamaway sa akin. Tumingin rin si Bella sakin kaya ngumiti siya at kumaway rin. Lalapitan niya pa sana ako pero pinigilan siya ni Maxine na ngumiti din sakin. Nginitian ko lang sila at nagpatuloy ng maglakad papunta sa entrance.
Nang makarating ako sa entrance ay agad kong nakita si ate at sumakay kaagad kami sa kotse para umuwi.
"Musta first day mo sa B.E.E University?" tanong ni ate habang nakatingin sa daan.
"Okay lang naman, naging manager ako ng Baseball Team nila." sagot ko at ngumiti nang maalala ang makukulit na mga lalaki.
"Hm... Basta wag mong papabayaan yung academics mo." sabi ni ate at hininto ang kotse dahil red light na.
"Yes ma'am!" sagot ko at nagsalute.
Tumawa naman ng mahina si ate at pinaandar ulit ang kotse.
BINABASA MO ANG
Loving The Manager (GxG)
RomanceA baseball team manager and her problems. [On-going & Slow Update] Started: Nov 21, 2020 Ended: N/A